Bismillah, Alhamdulillah
Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW) na pinakahuling Propeta at Sugo.
Narito ang tatlong uri ng nusuk hinggil sa pagsasagawa ng Hajj:
- HAJJ TAMATTU’: Ang ibig sabihin nito ay maglayunin ang taong nagsasagawa ng Hajj na ang kanyang layunin ay para sa Omrah sa mga buwan ng Hajj, at ang mga buwan na ito ay ang Shawwaal, Dhulqa’dah, at unang walong araw sa Dhulhijjah, ang kanyang layunin ay Omrah at tatapusin niya ang mga gawain sa Omrah tulad ng tawaaf, sa’eey at pagputol ng buhok, pagkatapos ay magtatapos na ang ihraam at hubarin ang damit ng ihraam at ipinahihintulot na sa kanya na gawin ang lahat pati ang pagsiping sa asawa. At sa ikawalong araw ng buwan ng Dhulhijjah ay maglayunin at magsagawa na siya ng ihraam para sa Hajj mula sa kanyang lugar sa Makkah at lalabas siya papunta sa mga sagradong lugar at kompletuhin ang gawain sa Hajj.
- HAJJ QIRAAN: Ang ibig sabihin nito ay maglayunin ang taong nagsasagawa ng Hajj na ang kanyang layunin ay para sa Hajj at Omrah nang sabay, at hindi ipinahihintulot sa kanya na gawin ang lahat hangga’t hindi niya natapos ang mga gawain sa Hajj.
- HAJJ IFRAAD: Ang ibig sabihin nito ay maglayunin ang taong nagsasagawa ng Hajj na ang kanyang layunin ay para sa Hajj lamang, at hindi na kasama sa kanyang layunin ang Omrah.