Isang kababayan natin sa Kuwait na yumakap sa Islām noong araw ng Biyernes, August 23, 2013 sa Masjid Marzouq Al-Badr (Masjid Filipino), Kuwait City. Siya si Brother Luis Gabuyo, at ngayon ay Ilias na ang tawag sa kanya. Siya ay Engineer na nagtatrabaho sa isang kilala at malaking kompanya sa Kuwait, dati siyang katoliko at niyakap niya ang Islām ng bukal sa kanyang kalooban, matapos siyang making ng khutba sa wikang tagalog sa Masjid ay napagpasyahan niya na mag-shahādah sa harapan ng mga kapatiran pagkatapos ng pagdarasal ng Jum’ah.
Nagustuhan niya ang Islām kaya niya ito niyakap sapagkat matagal na panahonn niyang pinag-aaralan ang Islām at kabilang sa dahilan ng kanyang pagyakap ay dahil sa hangad niyang makamit ang tunay na kaligtasan… sa pamamagitan ng kanyang pananaliksik ay napag-alaman niya kung sino ang tunay tagapaglikha na lumikha sa kanya at lumikha sa lahat ng bagay. Siya ay nagpapatunay na walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā), at si Muḥammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam) ang kahuli-hulihang Propeta at Sugo, at si Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay isang Propeta at Sugo, hindi naipako sa krus at hindi napatay ngunit itinaas siya ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) sa langit.
Narito ang ilan sa kanyang mga sinabi matapos itanong sa kanya ang ilang mga katanungan: Bilang katoliko, isa sa sinasamba ko ay si Hesus. Simula’t sapol hinidi ko nasilayan noon ang Islām, bagama’t naririnig ko, kung kaya wala po akong masasabi kung ano ang ayaw ko sa Islām noong hindi ko pa ito niyakap. Iniwan ko ang dati kong Relihiyon sa kadahilanang nakita ko ang tunay na Relihiyon, at nakilala ko ang tunay na Panginoon na Siyang naglalang sa akin at sa lahat ng bagay, at Siya lamang ang nararapat na sambahin at wala ng iba. Bagama’t bago pa lang ako sa Islām subalit ramdam ko na nasa orihinal ako na Relihiyon, tunay na magkaroon ako ng ganap na tagapagkalinga sa buhay.
Mga kapatid, ipanalangin po natin sa Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) na sana’y manatili ang ating kapatid sa Relihiyong Islām at maging matatag ang kanyang kalooban sa pananampalataya, malagpasan niya ang anumang pagsubok sa buhay, at nawa’y patawarin siya ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) at ipagkaloob sa kanya ang tunay na kaligtasan tungo sa minimithing ng Paraiso. Mabrouk sa ating kapatid…