Si Propeta Ay Isang Ulila Noong Bata Pa

tupa

Bismillah, Alḥamdulillah, Waṣṣalaatu Wasslaamu ‘Alaa Rasoolillah…

Ang matatalakay po natin ay tungkol kay Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم), hindi pa siya naipanganak ay namatay na ang kanyang tatay noong panahon na ang kanyang tatay ay nasa pagnenegosiyo sa lugar na Shaam, ang pangalan ng kanyang tatay pala ay si Abdullah bin Abdulmuttalib namatay sa edad na dalawampu’t limang taon, at ang kanyang nanay naman ay si Aaminah bint Wahb ang pinakamainam na babae sa mga Quraysh.

Ipinanganak si Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم) sa Makah at nang umabot ang Propeta ng anim na taong gulang (6) ay namatay ang kanyang nanay na si Aminah namatay sa Abwaa – isang lugar sa na matatagpuan sa pagitan ng Makkah at Madeenah kaya kinupkop siya ng kanyang lolo na si Abdulmuttalib minahal siya ng kanyang lolo ng higit pa sa kanyang mga anak.

At nang umabot si Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم) ng mahigit walong taong gulang (8) ay namatay naman ang kanyang lolo na si Abdulmuttalib kaya ang kumupkop o nangalaga naman sa kanya ay ang kanyang tiyuhin na si Abu Talib. Si Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم) ay dati nangangalaga siya ng kambing tulad din ng mga naunang Propeta na kung naas sila ay nangangalaga ng kambing o kaya ay tupa.

At nang umabot si Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم) ng labing dalawang taong gulang (12) ay sumama na sa kannyang tiyuhin na si Abu Talib sa pagnenegosiyo doon sa Shaam, isang araw habang sila ay nasa daan malapit sa Shaam ay mayroong kamanghamanghang pangyayari na kung saan mayroon silang nakasalubong na isang (Raahib) relihiyusong tao na nagsasabing nakita daw niya ang mga palatandaan ng pagka- Propeta ni Muḥammad (صلى الله عليه وسلم), kaya ibinalik siya ng kanyang tiyuhin na si Abu Talib sa Makkah sa pangangamba na malaman ng mga Hudyo ay kung ano pa ang gagawin nila sa Propeta.

Mga kapatid, malinaw sa kasaysayan na si Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم) ay isang ulila noong siya ay bata pa bagkus hindi pa naipanganak ay naging ulila na dahil namatay ang kanyang tatay. Ang pangangalaga pos a mga batang ulila ay gawaing napakainam bagkus ito ay kabilang magiging dahilan upang ipaghkaloob sa atin ng Allǎh (سبحانه وتعالى) an gating minimithing Paraiso. Ayon sa isang naisalaysay na Ḥedeeth, sinabi ni Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم): “Ako at ang taong nangangalaga ng ulila (pagdating) sa Paraiso ay katulad nito, inisenyas niya ang (kanyang) hintuturo at ang kalagitnaan ng (kanyang) daliri, at ginagalaw niya ang dalawang ito.” (Al-Bukhaari)

Related Post