Bismillǎh, Alḥamdulillǎh, Waṣṣalaatu Wassalaamu ‘Alaa Rasoolillǎh…
Ang kahuli-hulihan sa mga Propeta at Sugo ay si Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم). Ang kanyang ama ay si ‘Abdullǎh na anak ni ‘Abdulmuṭṭalib, at ang kanyang ina naman ay si Aaminah na anak ni Wahb na anak ni ‘Abd Manaaf.
Si Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم) ay Arabo na nagmula sa angkan ni Propeta Ismael na anak ni Propeta Abraham ‘Alayhimus Salām (sumakanila ang kapayapaan). Sinabi ng Allǎh (سبحانه وتعالى) sa banal na Qur’ân:
مَا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَا أَحَدٍ مِنْ رِجَالِكُمْ وَلَكِنْ رَسُولَ اللهِ وَخَاتَمَ النَّبِيِّينَ وَكَانَ اللهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا. سورة الأحزاب
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Si Muḥammad ay hindi ama ng isa man sa inyo. Datapuwa’t siya ang Sugo ng Allǎh at Selyo (pinakahuli) sa lahat ng mga Propeta, at ang Allǎh ang may ganap na kaalaman sa lahat ng bagay.” (33:40).