Mayroong pitong mga mortal na kasalanang nabanggit sa Ḥadeeth ni Propeta Muḥammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam) na kung saan ay nararapat na iwasan ng bawat Muslim, lalaki man o babae.
Ayon kay Abu Hurayrah (kalugdan siya ng Allǎh), katotohanang sinabi ni Propeta Muḥammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Layuan ninyo ang pitong mga mortal na kasalanan!” sila’y nagsabi: O Sugo ng Allǎh! Ano ba ang pitong yaon? kanyang sinabi: “Ang pagtatambal sa Allǎh, at ang pangkukulam, at ang pagpatay ng tao na ipinagbabawal ng Allǎh maliban na lamang kung sa tama, at ang pagkain ng Ribā (pagpapatubo ng salapi), at ang pagkain ng salapi ng ulila, at ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paghagis (pagbintang ng masama) sa mga babaeng inosenteng mga nananampalataya.” Napagkasunduan ang Ḥadeeth na ito nina Al-Bukhāri at Muslim. Tingnan ang Fiqhus Sunnah, Ikatlong Bahagi, Pahina 129.