Hindi lingid sa kaalaman ng mga mamamayang Filipino ang matagal ng kontrobersiyal tungkol sa relasyong pag-ibig ng legendary singer ng Pilipinas na si Freddie Aguilar sa kanyang 16-anyos na nobya samantalang siya ay nasa 60-anyos na, kung anu-anong mga batikos o kaso ang isinasampa sa kanya dahil sa menor de edad daw ang babae ayon sa batas ng Pilipinas.
Sa kabila ng kontrobersiyang ito ay nagpasya ang legendary singer na si Freddie Aguilar na pakasalan ang kanyang nobya sa pamamaraan ng Islām. Ayon sa kumalat na balita sa mga iba’t ibang News Channels ay naganap ang kanilang kasal noong araw ng Biyernes, November 22 taong 2013 sa Buluan Maguindanao sa pamamagitan ng Maguindanao Governor na si Esmael “Toto” Mangudadatu, at sinabi ni Governador Mangudadato na pumayag siyang isagawa ang seremonya ng kasal nina Freddie at ng nobya nito na 16-anyos sa bisa ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines. At ayon din sa balita ay anim na buwan pa daw bago ikasal si ka Freddie ay yumakap na siya sa Islām. Nawa’y maging matatag siya at ang kanyang pamilaya sa pananampalatayang Islām.
Sa totoo lang, wala tayong nakikita na masama sa pagyakap sa Islām ni ka Freddie at ng kanyang nebya sapagkat pinasok nila ito ng walang sapilitan, hindi sila pinilit ninuman at mas lalong hindi sila inalok ng salapi o kayaman para lang yakapin ang relihiyong ito. At kung sakaling ginawa lamang nila ito para sa kanilang personal convenience, wala rin tayong karapatan na manghusga sa kanila o sa ating kapwa, ang tanging sa atin lamang ay ipaubaya na natin sa Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā), sapagkat Siya ang tanging nakakalam sa lahat ng mga nakalingid at nakalantad.
Si Freddie Aguilar ay noon pa man, kung papansinin natin ay hindi malayo ang kanyang puso sa mga Muslim, sapagkat siya ang nagpasikat ng mga kantang nakaka-antig sa mga puso’t damdamin ng mga Muslim sa Mindanao, tulad ng kanyang awit na Anak at Mindanao…
Sa Islām ay puwedeng pakasalan ang babae kahit na hindi pa ito sumapit sa pagkadala katulad ng pagpapakasal ng Propeta kay Ȁishah (Raḍi-Allǎhu Ànhā), subalit saka pa maaaring sipingan ng lalaki ang babae ay kapag sumapit na siya sa wastong gulang; at kabilang sa mga palatandaan ng babaeng nasa wastong gulang na ay kapag dinatnan na siya ng regla o kaya’y menstruation at gayon din kapag tinubuan na siya ng buhok sa kanyang maselan na bahagi ng katawan. Ang Islām ang tunay na Reliyon na katanggap-tanggap sa Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) kung kaya’t mapalad ang sinumang taong niyakap niya ang Islām ng buong puso…