Isang kapatid natin na yumakap sa Islām ngayong unang araw ng Ramaḍān dito sa Islam Presentation Committee (IPC), Kuwait City, dati siyang Kristiyano Katoliko tinanggap niya ang Reliyong Islām ng bukal sa kanyang kalooban! At pinili niya ang pangalang Ibrahim sa Islām. masha-Allǎh…
Ilan sa mga sinabi ni Brother Ibrahim matapos niyang yakapin ang Islām: Ang sinasamba ko dati ay si Hesus dahil ‘yon ang paniniwala ng mga Kristiyano pero sa ngayon napag-alaman ko na isa lang pala ang Diyos. Si Hesus ay isang Propeta at hindi Diyos. Akala ko noon, ang Islām ay isang maling paniniwala pero gabi-gabi ko binabasa ang aklat ng Islām kaya namulat ako na Islām ang isang matagumpay na Relihiyon at ang kanilang paniniwala ay ang nag-iisang Allǎh. Iniwanan ko ngayon ang aking Relihiyon dahil sa namulat na ako sa totoong Relihiyon. Ang nagustuhan ko sa Islām ay ang lahat ng mga Muslim ay magkakapatiran at nagkakaisa at higit sa lahat ay ang paniniwala sa nag-iisang Allǎh…
Mga kapatid, kaaya-aya ang sinumang taong napatnubayan ng tamang landas sapagkat kapag ang isang hindi Muslim ay yumakap sa Islām ng bukal sa kalooban ay insha-Allǎh patatawarin ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) ang kanyang mga naunang kasalanan, at puting-puti ang kanyang aklat na walang matsa. Allǎhu Akbar