Isang kabayan natin ang yumakap sa Islām noong January 27, 2013 sa pamamagitan ng Islām Presentation Committee (IPC), Kuwait City. Siya si Tyrone P. Licu, ang kanyang napiling pangalan sa Islām ay Jamal. Siya ay dating Katoliko, nang makarating sa kanya ang mga babasahin tungkol sa pananampalatayang Islām at napakinggan ang video na ang pamagat ay Islam Presentation tagalog na pinamimigay ng IPC ay naliwanagan ang kanyang puso kung kaya’t kusa siyang pumunta sa tanggapan ng IPC sa Kuwait City hanggang sa niyakap niya ang Relihiyong Islām ng bukal sa kanyang kalooban. Ang mga paksang nilalaman ng video na kung saan naging kabilang sa dahilan ng kanyang pagyakap sa Islām ay: Ano ang Islām?, Religiyon ng mga Propeta, Mga Haligi ng Islām, mga Haligi ng Pananampalataya, Bakit tayo nilikha ng Diyos? at Lā ilāha illa-Allǎh.
Sinabi niya matapos niyang yakapin ang Islām: Iniwan ko ang dati kong Relihiyon dahil sa hindi pagkakaunawaan. Ang pagkakaiba na natagpuan ko sa Islām at sa dati kong Relihiyon ay buo ang pananampalataya ng mga Muslim kay Allǎh, at sila ay nagkakaisa sa lahat ng bagay. Alhamdulillǎh, pinatnubayan siya ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) ng tamang landas tungo sa Paraiso.
Mga kapatid, ang pagyakap sa Islām ay kailangang bukal sa kalooban ng tao at ito ay walang sapilitan. At sana’y maging matatag ang pananampalataya ng sinumang yumakap sa Islām.