Sa pagkakaroon ng bukas na puso at isipan, matutuklasan natin ang katotohanan sa pamamagitan ng kasaysan na ito. Ang pangalan ng asawa ni Emrân ay si Ⱨannâ, at sa panahong nagdadalang tao si Ⱨannâ ay nangako sa Diyos na ihahandog niya ang kanyang magiging anak tungo sa pagsisilbi o paglilingkod sa Diyos. alaya Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:
إِذْ قَالَتِ امْرَأَةُ عِمْرَانَ رَبِّ إِنِّي نَذَرْتُ لَكَ مَا فِي بَطْنِي مُحَرَّرًا فَتَقَبَّلْ مِنِّي إِنَّكَ أَنْتَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ. سورة آل عمران
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: Alalahanin, nang ang asawa ni Emrân ay nagsabi: O aking Panginoon! Katotohanang ako ay nangako na ihahandog ko sa Iyo ang nasa sinapupunan ko tungo sa paglilingkod sa Iyo (alaya at dalisay mula sa makamundong gawa), kaya’t tanggapin Mo sa akin, katotohahang Ikaw ang nakakarinig ang nakakaalam. (Surah Âl-Emrân 3:35).
Subalit ang ipinagkaloob kay Ⱨannâ ay isang anak na babae na si Maria. Hayaan nating tuklasin ang katotohanan. Nang maipanganak ni Ⱨannâ si Maria, siya’y nagpakupkop at nanalangin sa Diyos na bigyang kalinga si Maria at ang magiging apo niya kay Maria laban sa kasamaan ni Satanas (demonyo) na isinumpa. Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:
فَلَمَّا وَضَعَتْهَا قَالَتْ رَبِّ إِنِّي وَضَعْتُهَا أُنْثَى وَاللهُ أَعْلَمُ بِمَا وَضَعَتْ وَلَيْسَ الذَّكَرُ كَالْأُنْثَى وَإِنِّي سَمَّيْتُهَا مَرْيَمَ وَإِنِّي أُعِيذُهَا بِكَ وَذُرِّيَّتَهَا مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيمِ. فَتَقَبَّلَهَا رَبُّهَا بِقَبُولٍ حَسَنٍ وَأَنْبَتَهَا نَبَاتًا حَسَنًا وَكَفَّلَهَا زَكَرِيَّا… سورة آل عمران
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: At nang kanyang maipanganak siya (ang batang si Maria), siya ay nagsabi: O aking Panginoon! Ako ay nagsilang ng isang sanggol na babae, at ang Allǎh ang higit na nakakaalam kung ano ang kanyang (Ⱨannâ) isinilang, at ang lalaki ay hindi katulad ng babae, at aking pinangalanan siya ng Maria, at hinihingi ko ang Iyong pagkalinga para sa kanya (Maria) at sa magiging supling niya laban kay Satanas na isinumpa. Kaya tinanggap ng kanyang Panginoon siya (Maria) ng may mabuting pagtanggap, at pinalaki siya ng pagpapalaking may kagandahang-asal, at inalagaan siya ni Zakarias… (Surah Âl-Emrân 3:36-37).
Ayon kay Abu Hurayrah (Raḍi-Allǎhu Ànhu) kanyang sinabi: sinabi ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Walang sanggol na ipinapanganak maliban sa siya’y hinihimok ng demonyo (tila baga gustong angkinin) sa oras na ipapanganak, kaya umuuha-umiiyak (ang sanggol) dahil sa panghihimok ng demonyo sa kanya, maliban lang kay Maria at ang kanyang anak (na si Hesus).” Makikita natin sa Tafseer Ibnu Katheer.
Dininig ng nag-iisang tunay na Diyos (Allǎh) ang panalangin ni Ⱨannâ, kung kaya lumaki si Maria na may kagandahang-asal sa pamamagitan ng mabuting pangangalaga ni Zakarias.