1. Ang Pagiging Mabuti sa mga Kapitbahay: Ayon kay Àbdullǎh bin Omar bin Al-Ȁṣ (kalugdan siya ng Allǎh), katotohanang sinabi ni Propeta Muḥammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Ang mas mainam sa mga magkakasama para sa Allǎh ay ang may mabuting pakikisama sa kanila sa kanyang kasama, at ang mas mainam sa mga magkakapitbahay para sa Allǎh ay ang may mabuting pakikipagkapitbahay sa kanila sa kanyang kapitbahay.” Iniulat ni At-Tirmidzi, Tingnan ang Tafseer Ibnu Katheer, Unang Bahagi, Pahina 457.
2. Ang Pagbibigay ng Pagkain sa mga Kapitbahay: Sa isang naisalaysay na Ḥadeeth, sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Wala sa isang nananampalataya na siya’y nabubusog at ang kanyang kapitbahay ay nagugutom sa kanyang tabi.” Tingnan ang Binā Al-Usrah Al-Muslimah, Pahina 261. Sa isa pang Ḥadeeth, ayon sa ama ni Dzarr (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “O ama ni Dzarr! Kapag ikaw ay nagluto ng maraqah (sabaw na may laman) ay damihan mo ang tubig niya, at pamimigyan mo ang iyong mga kapitbahay.” Iniulat ni Muslim, Tingnan ang Sharḥ Riyāḍuṣ Ṣāliḥeen, Ḥadeeth 2/304, Ikalawang Bahagi, Pahina 96.
3. Ang Pagbibigay ng Regalo sa mga Kapitbahay: Sa isang naisalaysay na Ḥadeeth, sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Magbigayan kayo ng regalo upang kayo ay magmahalan.” Tingnan ang Binā Al-Usrah Al-Muslima, Pahina 261. Sa isa pang Ḥadeeth, ayon kay Ȁishah (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: sinabi ko: O Sugo ng Allǎh! Katotohanang ako’y may dalawang kapitbahay at alin sa dalawang ito ang bigyan ko ng regalo? Sinabi niya: “Sa alin ang pinakamalapit sa kanilang dalawa ang pintuan niya sa iyo.” Tingnan ang Ṣaḥeeḥ Al-Bukhāri, Ḥadeeth 6020, Pahinan 711.
4. Ang Hindi Paggawa ng Anumang Kasamaan sa mga Kapitbahay: Ayon kay Abu Hurayrah (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: katotohanang sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Sumpa man sa Allǎh ay hindi (ganap na) nananampalataya! Sumpa man sa Allǎh ay hindi (ganap na) nananampalataya! Sumpa man sa Allǎh ay hindi (ganap na) nananampalataya!” May nagsabi: O Sugo ng Allǎh sino ba siya? Sinabi niya: “Ang taong hindi na nakakapagpahinga ang kanyang kapitbahay dahil sa kanyang kasamaan.” Napagkasunduan ang Ḥadeeth na ito nina Al-Bukhāri at Muslim, Tingnan ang Sharḥ Riyāḍuṣ Ṣāliḥeen, Ḥadeeth 3/305, Ikalawang Bahagi, Pahina 96.
5. Ang Hindi Pagmamanman sa mga Kapitbahay: Sabi ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) sa banal na Qur’ân:
وَلاَ تَجَسَّسُواْ وَلاَ يَغْتَب بَّعْضُكُم بَعْضًا أَيُحِبُّ أَحَدُكُم أَن يَأْكُلَ لَحْمَ أَخِيهِ مَيْتًا فَكَرِهْتُمُوهُ وَاتَّقُواْ اللهَ إِنَّ اللهَ تَوَّابٌ رَّحِيمٌ. سورة الحجرات
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At huwag kayong magmamanman, at huwag libakin ng iba (isa) sa inyo ang iba (isa). Gusto ba ng isa sa inyo na kanyang kainin ang laman ng kanyang kapatid na patay? Tunay na kinasusuklaman ninyo ito, datapuwa’t katakutan ninyo ang Allǎh, katotohanang ang Allǎh ang tanging tumatanggap ng pagsisisi (pagbabalik-loob), ang pinakamahabagin.” (Al-Hujurāt 49:12)
Bawat isa sa atin ay may karapatan sa kanyang kapitbahay, kaya ating ibigay ang karapatan ng bawat isa.