Mga Kagandahang Asal Sa Masjid

	Sikaping turuan ang mga bata ng ganitong asal bago sila dalhin sa Masjid upang hindi makaabala sa mga nagdarasalBismillahir Rahmaanir Raheem.

Ang bawat papuri ay para sa Allah, ang Panginoon ng mga nilalang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay mapasakanya na kagalang-galang na Propeta at Sugo na si Muhammad, at sa kanyang mga pamilya, mga kasama at sa lahat ng mga nasa tamang landas hanggang sa Araw ng Paghuhukom.

KAPATID NA NAGDARASAL

Katotohanang ang pagtungo sa Masjid ay mayroong mga magagandang-asal na dapat panatilihin at isagawa, upang ating matamo ang kaluguran ng Allah, at upang magkaroon tayo ng malaking gantimpala.

NARITO ANG ILAN SA MGA KAPAKI-PAKINABANG NA MGA TAGUBILIN

  • Ang katapatan ng layunin para sa Allah:

Sinabi ng Allah: “At ang mga Masjid ay para sa Allah, kaya’t huwag tumawag (o manalangin) ng ibang Diyos maliban sa Allah.” Surah Al-Jinn: 18.

Ayon kay Omar na anak ni Al-Khattaab, katotohanang sinabi ng Sugo ng Allah: “Tanging ang mga gawa ay nakabatay ayon sa layunin, at tanging ang bawat tao ay hahatulan ayon sa kanyang naging layunin…” Iniulat ni Al-Bukhaari.

  • Ang paglilinis, pagpapabango, pagsuot ng pinakamagandang damit habang tutungo sa Masjid, at pag-iwas sa mga masasamang amoy, at pagkain ng sibuyas at bawang:

Sinabi ng Allah: “O mga angkan ni Adan, mag-ayos kayo (magsuot ng malinis at katanggap-tanggap na damit) sa bawat oras ng pagdarasal.” Surah Al-A’raaf: 31.

Ayon kay Jaabir na anak ni Abdullah, katotohanang sinabi ng Sugo ng Allah: “Ang sinumang kumain ng bawang at sibuyas ay hindi dapat lumapit sa aming Masjid, bagkus dapat ay manatili siya sa kanyang tahanan.” Iniulat ni Al-Bukhaari.

  • Ang mahinahon at may kapitagan na paglakad papunta sa Masjid, at ipinagbabawal ang pagmamadali kahit pa ito ay hinahabol ang ruku’:

Ayon kay Abu Hurayrah, katotohanang sinabi ng Sugo ng Allah: “Kapag narinig ninyo na ang iqaamah (panawagan upang simulan na ang pagdarasal) ay lumakad kayo patungo sa pagdarasal ng mahinahon at may kapitagan, at huwag kayong magmadali, at magdasal kayo kung ano ang inyong naabutan, at kompletuhin ninyo ang inyong nalaktawan.” Napagkasunduan ang hadeeth na ito.

  • Ang pagbigkas ng panalangin sa pagpasok at paglabas ng Masjid:

Ayon kay Abu Humayd o kaya’y Abu Aseed kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allah: “Kapag pumasok ang isa sa inyo sa Masjid ay kanyang sasabihin: “Allahumma iftah lee abwaaba rahmatika.” At kapag lumabas naman ay kanyang sasabihin: “Allahumma innee as-aluka min fadlika.” Iniulat ni Muslim.

  • Umiwas sa pagdaan sa pagitan ng mga tao sa panahon ng sermon:

Sinabi ni Abdullah na anak ni Busr: Isang lalaki na naglalakad sa pagitan ng mga tao habang ang Propeta ay nagbibigay ng sermon, at sinabi sa kanya ng Propeta: “Umupo ka, dahil naabala mo ang mga tao.” Iniulat nila Ahmad, Abu Dawood, Al-Nasaai at iba pa.

  • Sikaping makompleto ang mga hilera:

Sinabi ng Sugo ng Allah: “Itaguyod ninyo ang mga hilera, at pagpapantayin ninyo ang pagitan ng mga balikat (kasama ang mga paa), at huwag hayaang magkaroon ng distansya, at bigyan ng lugar ang inyong mga kapatid, at huwag bigyan ng puwang si Satanas; At ang sinumang dugtungan niya ang hilera ay dudugtungan sa kanya ng Allah (ang biyaya), at ang sinumang putulin niya ang hilera ay puputulin sa kanya ng Allah (ang biyaya).” Iniulat ni Abu Dawood.

  • Iwasang magdala ng mga sigarilyo sa Masjid:

Sinabi ng Allah: “At Kanyang ipinahintulot sa kanila ang tayyibaat (mga mabubuti) at Kanyang ipinagbawal sa kanila ang khabaaith (mga marurumi).” Surah Al-A’raaf: 157.

  • Huwag dumaan sa harapan ng nagdarasal:

Ayon kay Abu Juhaym kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allah: “Kung alam lang ng taong dumadaan sa harapan ng nagdarasal ang kanyang magiging kasalanan o kaparusahan, ay mas pipiliin pa niyang tumayo ng apatnapu, dahil mas magaan ito para sa kanya kaysa sa dumaan siya sa harapan ng nagdarasal.” Iniulat nina Al-Bukhaari at Muslim.

  • Huwag lakasan ang pagbasa ng Qur’an at huwag pangunahan ang Imaam sa pagyuko at pagpapatirapa:

Sinabi ng Sugo ng Allah: “Ang Imaam ay hinirang upang sundin, kaya’t huwag sumalungat sa kanya, at kapag yumuko siya ay yumuko kayo, at kapag nagsabi siya ng “sami’Allahu liman hamidah” ay sabihin ninyo ang “rabbanaa walakal hamd”, at kapag nagpatirapa siya ay magpatirapa kayo, at kapag nagdasal siyang nakaupo ay magdasal kayong nakaupo lahat, at inyong itaguyod ang hilera sa dasal dahil ang pagtaguyod ng hilera ay kabilang sa kabutihan ng dasal.” Iniulat nina Al-Bukhaari at Muslim.

  • Iwasang magsalita habang ang Imaam ay nagbibigay ng sermon:

Ayon kay Abu Hurayrah, katotohanang sinabi ng Sugo ng Allah: “Kapag sinabihan mo ang iyong kapwa sa araw ng biyernes ng tumahimik habang nagbibigay ng sermon ang Imaam, kung gayon, ikaw ay nakapagsalita ng walang saysay.” Napagkasunduan ang hadeeth na ito.

  • Iwasang magdasal sa mga daanan para hindi makaabala sa iba:
  • Umiwas sa pagtutulakan at pagsiksikan sa pasukan at labasan ng Masjid:
  • Sikaping maisara ang mga mobile upang mapanatili ang pangangamba:
  • Sikaping turuan ang mga bata ng ganitong asal bago sila dalhin sa Masjid upang hindi makaabala sa mga nagdarasal:
  • Huwag mang-insulto, manliit, manlibak at makipagtsismisan:
  • Panatilihin ang kalinisan ng Masjid dahil ito ay tahanan ng Allah:

Related Post