Sa Ngalan Ng Allah, Ang Maawain, Ang Mahabagin
Sa mga yumakap at tinanggap ng buong puso ang Relihiyong Islam, nararapat sa isang Muslim na pasalamatan niya ang dakilang Allah sa biyayang ito at pag-aralan kung paano ito panatilihin.
Ngunit sa paglipas ng mga panahon humina ang ating iman o pananampalataya dahil sa mga makamundong bagay, ang paggawa ng hindi naaayon sa turo ng Islam tulad ng pag-inom ng nakalalasing, pagsusugal, pang-aapi sa kapwa at iba pang kadahilanan na nakakasira sa pananampalataya.
Huwag nating hayaang kainin tayo ng makamundong bagay na kung saan ay ito’y magdadala sa atin sa kapahamakan sa araw ng paghuhukom. Nabanggit sa talata ng Qur’an.
أُولَئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الْحَيَاةَ الدُّنْيَا بِالآخِرَةِ فَلا يُخَفَّفُ عَنْهُمُ الْعَذَابُ وَلا هُمْ يُنْصَرُونَ. سورة البقرة
Ayon sa kahulugan sa tagalog: Sila ang mga tao na ipinagpalit ang kanilang buhay sa mundong ito sa kabilang buhay, ang kanilang kaparusahan ay hindi pagagaanin at sila rin ay hindi matutulungan. (Al-Baqarah 2:86)