Ang isang taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanyang kapwa tao ay tinuturing isang kapatid mapa lalaki man o babae.
Bilang Muslim, kailangan nating sabihin o ipakita na tayo ay magkakapatiran dahil tayo ay nananampalataya sa Allah (SWT), gayon din na kailangan nating ipakita ang isang kapatiran kahit anong relihiyon man sila ipadama natin sa kanila ang bilang isang ikaw o tayo sa bawat isa na kapatid natin sila bilang tao dahil tayong lahat ay mga angkan ni Adan.
Sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur’an: “Sasakanila ang tahanan ng kapayapaan (Paraiso) na iginawad ng kanilang Panginoon (Allah); At Siya ang kanilang magiging tagapagtangkilik (o tagapangalaga) dahilan sa kanilang mga (mabubuting) gawa.” (6:127).
Kailangan nating magbahagi sa bawat isa ng kaalaman at tayo ay nararapat na magbahagi o mag-da’wah sa mga taong hindi pa alam ang katotohanan sapagkat ito ay tungkulin natin bilang mga nananampalataya sa Allah (SWT), dahil tayo ang nakakaalam ng katotohanan kaya alalahanin natin ang mga taong hindi pa alam ang katotohanan, ang ating mga kapatid, kaibigan, kamag-anak at kapitbahay kung sakaling mamatay sila at hindi nila nalaman ang katotohanan ay pagdating sa panahon ng paghuhukom ay maaaring mananagot po tayo mga kapatid dahil sa hindi natin sinabi sa kanila ang katotohanan.
Sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur’an: “At sa pamayanan ng Madyan (Midian) ay (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Shu’ayb; Siya ay nagsabi: O aking pamayanan! Sambahin ninyo ang Allah, wala na kayong iba pang Diyos maliban sa Kanya; Katotohanang dumating na sa inyo ang isang maliwanag na tanda (o katibayan) mula sa inyong Panginoon.” (7:85).
Kaya, kailangan nating sabihin sa kanila para din makamit nila ang Paraiso, at sikapin nating mag-da’wah sapagkat tayo ay magkakapatid.
Mula sa panulat ni Bro. Dennis Timosa.