Si Lucman ayon sa kasaysayan ay siya’y isang alipin lamang subalit binigyan ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) ng karunungan.
Isang araw ay pinag-utusan si Lucman ng kanyang amo na kumatay ng Tupa (Kambing), kaya kumatay na siya at sinabi sa kanya ng kanyang amo: ibigay mo sa akin ang dalawang bagay na pinakamainam sa Tupa! Ibinigay ni Lucman sa kanya ang Dila at ang Puso ng Tupa.
Nang makaraang mga araw ay pinag-utusan naman siya ng kanyang amo na kumatay ng Tupa, kaya kumatay na siya at sinabi na naman sa kanya ng kanyang amo: ibigay mo sa akin ang dalawang bagay na pinakamasama (pinakamarumi) sa Tupa! Ibinigay naman ni Lucman sa kanya ang Dila at ang Puso ng Tupa.
Nagtataka ang kanyang amo at sinabi niya kay Lucman: noong unang pagkatay mo ng Tupa ay sinabi ko sa iyo na ibigay mo sa akin ang dalawang bagay na pinakamainam sa Tupa at ang ibinigay mo sa akin ay ang Dila at ang Puso, ngayon namang pagkatay mo ay sinabi ko sa’yo na ibigay mo sa akin ang dalawang bagay na pinakamasa sa Tupa at ang ibinigay mo rin sa akin ay ang Dila at ang Puso!? Sinabi ni Lucman: katotohanang wala ng humigit na mainam sa dalawang bagay na ito kapag ito ay naging mabuti, at wala ng humigit na masama sa dalawang bagay na ito kapag ito ay naging masama.
Ang kasaysayan na ito ay isinalin sa wikang tagalog ni Mojahid Gumander mula sa Aklat na Daleelus Sāileen, Pahina 115.