Ilan sa mga palatandaan ng babaeng mabuti na kung saan ay marapat na maging huwaran ng mga kababaihan ay yaong nagpapasaya sa kanyang asawa, sumusunod sa kanyang asawa at naipagkakatiwala sa kanya ang kanyang sarili o dignidad at ang kayamanan ng kanyang asawa. Ayon sa ama ni Hurayrah (Raḍi-Allǎhu ànhu) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Ang mas mainam sa mga kababaihan ay ang babaeng kapag tumingin ka sa kanya ay mapapasaya ka niya, at kapag inutusan mo siya ay susundin ka niya, at kapag wala ka sa piling niya ay pangangalagaan niya sa iyo ang kanyang sarili at ang iyong salapi (o kayamanan.” Tingnan ang Tafseer Ibnu Katheer, Unang Bahagi, Pahina 454.
Isang payo sa mga kalalakighan na huwag magpadala sa mga palamuti o mga makamundong bagay at kung ang Mundo ay kinaaaliwan ng mga tao, mas mainam na kaaaliwan rito ay ang babaeng mabuti. Ayon kay Àbdullah na anak ni Omar (Raḍi-Allǎhu ànhu), katotohanang sinabi ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Ang mundo ay kinaaaliwan at ang mainam na kaaaliwan sa mundo ay ang babaeng Ṣâlihah (babaeng mabuti).” Iniulat ni Muslim, Tingnan ang Mukhtaṣar Al-Fiqh Islâmiy, Pahina 803.
Samakatuwid, isa sa palatandaan ng kakayahan, kapangyarihan at kadakilaan ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) ay ang pagkakalikha sa babae bilang asawa ng lalaki sapagkat sa pamamagitan nito ay magkakaroon ang lalaki ng kasihayan, kaginhawaan o katahimikan. Ang babaeng mabuti ay lubos na nagbibigay ng kagalakan sa kanyang asawa.