Anghel ng Kamatayan, Kaibigan ni Propeta Solomon

Anghel ng Kamatayan, Kaibigan ni Propeta Solomon (Àlayhis Salâm)Malakal Mawt ang tawag sa Anghel ng Kamatayan sa Islām na pinag-uutusan ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) na huhugot ng kaluluwa ng tao. Si malakal Mawt ay kaibigan ni Propeta Solomon Àlayhis Salām (sumakanya ang kapayapaan), lagi niyang dinadalaw si Propeta Solomon Àlayhis Salām.

Isang araw na dumalaw si Malakal Mawt kay Propeta Solomon Àlayhis Salām at sa kasalukuyan na mayroong kausap na isang lalaki na bisita ni Propeta Solomon Àlayhis Salām, pagdating ni Malakal Mawt ay tinititigan niya ang lalaking kausap ni Propeta Solomon Àlayhis Salām at hindi naglaon ay umalis din agad si Malakal Mawt. Nang makaalis na si Malakal Mawt ay tinanong ng lalaki si Propeta Solomon Àlayhis Salām kung sino ang dumating na iyon na tinititigan siya? Bakit ganon ang pagtitig niya na parang masama ang tingin…? Ngunit sinabi ng lalaki: meron lamang akong kahilingan sa’yo Propeta at sana ay pagbigyan mo ang kahilingang kong ito. Ano ang kahilingan mo? Wika ni Propeta Solomon Àlayhis Salām. Sinabi ng lalaki: hinihiling ko sa’yo Propeta na kung maaari po sana ay pag-utusan mo ang hangin na dalhin ako sa India! Alam natin na si Propeta Solomon Àlayhis Salām ay bukod sa Propeta na ay binigyan pa ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) ng kapangyarihan at mga himala na kung saan ay nakakausap niya ang mga bagay na hindi nakakausap ng sinumang tao sapagkat siya ay naghari dito sa Mundo, kaya pinagbigyan niya ang kahilingan ng lalaking ito, at sa sandaling iyon ay pinag-utusan niya ang hangin na dalhin ang lalaki doon sa India, walang imposible sa kapahintulutan ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) isang saglit lamang ay nandoon na ang lalaki sa India.

Ilang araw na lumipas ay bumisita naman si Malakal Mawt kay Propeta Solomon Àlayhis Salām at tinanong siya agad ni Propeta Solomon Àlayhis Salām: O Malakal Mawt! Naalala mo ba noong pagdalaw mo sa akin na mayroon akong kausap na isang lalaki? Sinabi niya sa akin na masama daw ang pagtitig mo sa kanya? Anong dahilan kung bakit mo siya tinititigan ng ganon? Sinabi ni Malakal Mawt: nagulat lamang ako at nagtataka sa kanya dahil sa araw na iyon mismo ay pinag-utusan ako ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) na kunin ko ang kaluluwa ng taong iyon ngunit doon ako pinag-utusan na kunin ang kanyang kaluluwa sa India..!

Ang kasaysayan na ito ay isinalin sa wikang tagalog ni Mojahid Gumander mula sa Aklat na Daleelus Sāileen, Pahina 579-580.

Related Post