Ang Salah ay pinakamahalaga sa lahat ng itinakdang pamamaraan ng ibadah o paglilingkod at pagpapaalipin sa Allah (SWT).
Tayong mga Muslim ay nagsasagawa ng paglilinis ng katawan (wudu) ayon sa pamamaraang itinuro ni Propeta Muhammad (SAW). Tayo rin ay nagdarasal ayon sa kanyang aral at kautusan.
1.Bakit ginagawa natin ito?
Sapagkat tayong mga Muslim ay naniniwala kay Propeta Muhammad (SAW) bilang huling na Sugo ng Allah (SWT), ang mga Muslim ay bumibigkas ng mga talata ng Qur’an sa paraang mahusay at maayos.
2. Bakit ba kailangang gawin ito?
Sapagkat tayong mga Muslim ay mayroong matibay na pananampalataya na ang Allah (SWT) ay nakakakita sa lahat ng kilos o galaw natin.
3. Bakit nagdarasal sa itinakdang oras?
Sapagkat ang mga Muslim ay may pananalig at pananampalataya na ang Allah (SWT) ay lagi sa tuwina nakamasid sa lahat ng Kanyang nilikha.
SALAH, ANG TATAK NG PANANAMPALATAYA
Ang Salah ang siyang unang palatandaan ng pagkakaroon ng pananampalataya. Pagkaraan na ang isang tao nakapag shahada (Laailaaha illallah, Muhammadun Rasulullah) ang unang bagay na binibigkas ng pagpapahalaga ay ang pagsasagawa ng Salah. Isang pagpapatunay sa katotohanan na kung ang isang tao ay may pananampalataya at naniniwala na siya ay isa lamang alipin ng Allah (SWT), at ang Allah lamang nag tanging Panginoon, ang paniniwalang ito ay nabibigyan ng tunay na kahulugan sa pamamagitan ng Salah.
“Tunay na ang mga nananampalataya at gumagawa ng kabutihan at nagsasagawa ng Salah at nagbibigay ng Zakah, ay mayroong gantimpala mula sa kanilang Panginoon.” (2:277)
Ito ay nagpapahiwatig ng katotohanan na kung ang punla ng panananampalataya ay itatanim sa puso ang unang usbong na lumitaw ay Salah. Ang Salah ay hindi lamang unang palatandaan ng pananampalataya kundi sa katotohanang itong Salah ang siyang makatwirang nagiging bunga ng pananampalataya. Kapag ang puso ay nagkaroon ng pananampalataya ang kaisipan ng tao ay nakakaramdam ng isang pagnanasang sumuko at sumunod sa Allah (SWT).
“Katotohang ang Salah ay pumipigil sa tao mula sa paggawa ng kalaswaan at kasamaan.” (29:45)
Ang isang pagpapatunay na ang isang Muslim ay may takot sa Allah (SWT) ay ang pag sagawa ng Salah. Ito ang pangunahing tungkuling dapat tuparin ng isang mabuting Muslim sapagkat sa pamamagitan nito’y natutugunan niya ang pangunahing layunin ng kanyang pagkakalikha.
“At hindi ko nilikha ang Jinn at ang tao malibang sumamba lamang sila sa Akin.” (51:56)
Ang Salah ang siyang malalim na simbuyo ng pagkilala sa Allah (SWT) na naipapahayag lamang sa pagitan nito. Kaya ang Propeta Muhammad (SAW) ay nagsabi: “Ang pagitan ng pananampalataya at kawalan ng pananampalataya ay ang Salah.” (Muslim). Sa isang Hadith ni Propeta Muhammad (SAW) siya ay nagsabi: “Ang isang bagay na kinaiba natin mula sa mga mapagkunwaring Muslim ay ang ating Salah.” (An-Nasaai).
Kaya ang Salah ay tunay na nagsisilbing tatak ng mananampalataya. Ang Salah ay mahalaga sa pananampalataya katulad din ng puso na mahalaga sa katawan ng tao. Kung ang puso ay may sigla, init at lakas ang daloy ng dugo ay patuloy na pumapasok sa ibang bahagi ng katawan kaya napapanatiling buhay ito at may sigla. Ngunit kung ang Salah ay hindi naisasagawa ang pagpapatupad at pagsunod sa ibang batas ng Allah (SWT) ay hindi rin naisasakatuparan. Kaya ang Salah ay isang bagay na nagpapanatili at nangangalaga sa pananampalataya ng tao. Ito ay tumatayo bilang haligi ng kabanalan.
Mula sa panulat ni Bro. Jesus Dayan.