Isang kababayan natin sa Kuwait na yumakap sa Islām kahapon araw ng sabado persa 17, 2014 sa ICP Kuwait City.
Siya si Liza Balintag Villar at ang napili niyang pangalan sa Islām ay Fatimah, dati siyang Eglesia ni Kristo. Ang Eglesia ni Kristo ay isa sa kilalang sekta sa pilipinas na kung saan itinatag ito noong taong 1914. Si sister Fātimah ay kabilang sa nagustuhan niya sa Relihiyong Islām ay ang kagandahang asal at ang paraan ng pagbibigay papuri o pagsamba kay Allah na Tagapaglikha. Gusto niyang magbalik-loob sa Diyos. Ang pagkakilala niya kay Kristo dati ay tagapamagitan sa Diyos.
Narito ang sagot ni sister Fātimah sa tanong kung ano ang nararamdaman niya ngayong Muslim na siya? Sinabi niya: Nararamdaman ko ang biyaya ng pagkapanganak muli o pagpapatawad ng mga kasalanan…
Mga kapatid, ang pagyakap sa Islām ay isang napakalaking biyaya mula sa Allah, sapagkat ayon sa aral at kagandahan nito ay ang sinumang yumakap sa Islām ay mabubura ang kanyang mga nagawang kasalanan noong hindi pa siya Muslim, kung kaya’t bumabalik siya na para bagang bagong isinilang na sanggol na malinis sa kasalanan puting-puti ang kanyang record. Allahu Akbar