Isang kababayan natin sa Kuwait na yumakap sa Islām noong Petsa 29 ng Marso taong 2013 sa Masjid Filipino (Masjid Marzouq Al-Badr) tapat ng Jollibee ng Kuwait City. Pagkatapos ng pagdarasal ng Jum’ah, napagpasyahan niyang mag-shahadah sa harapan ng mga kapatiran sa loob ng Masjid ng bukal sa kanyang kalooban.
Siya si Brother Dennis Parrocha at kung tawaginsa ngayon ay Yousef, dating kristiyano na sumasamba sa pamamaraan ng Roman Catholic at kung minsan ay sa Born Again. Niyakap niya ang Relihiyong Islām mula ng makapanood siya ng isang video sa pamamagitan ng Internet na nagpapaliwag tungkol sa Islām.
Narito ang ilan sa kanyang mga sinabi matapos itanong sa kanya ang ilang mga katanungan: Dati sumasamba ako sa Romano Katoliko at kung minsan naman sa Born Again. Iniwan ang dati kong Relihiyon dahil sa isang video na di sinasadyang aking mapakinggan. Nang aking tapusin ang pahayag niya ay namulat ako sa katotohanan na hindi si Hesus ang Diyos kundi si Allǎh lamang. Ang pagkakaiba na natagpuan ko sa Islām at sa dati kong Relihiyon, na ang sinasamba ng mga Romano Katoliko ay si Hesus na kanilang ginawang Diyos, at nang malaman ko at magbasa ako tungkol sa Islām ay nabatid ko na nag-iisa lamang pala ang Diyos, walang iba kundi si Allǎh. kaya ang nagustuhan ko sa Islam ay ang paniniwalang si Allǎh lamang ang nag-iisang Diyos.
Mga kapatid, ang Islām ang tunay na Relihiyon na katanggap-tanggap at lahat ng mga Muslim ay naniniwala kay Hesus na anak ni Berheng Maria bilang isang dakilang Proepta at Sugo.