Isang kababayan natin sa Kuwait na yumakap sa Islām noong araw ng Linggo, Petsa 05 ng Henero, taong 2014 sa Islam Presentation Committee (IPC), Kuwait City. Kung kaya’t napagpasyahan niyang mag-shadah ng bukal sa kanyang kalooban.
Siya si Brother Reynaldo Bariga na sa ngayon ay tawagin natin sa pangalang Abdulaziz, dating kristiyano-katoleko na sumasamba kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan). Siya ay pumunta sa tanggapan ng IPC sa Kuwait City kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Brother Naseem Gorecho at Brother Nasser Aleta kapwa mga Balik Islām na kung kaya’t sila ang isa sa naging dahilan kung bakit niya napagpasyahang yakapin ang Islām, sapagkat nagustuhan niya ang kanilang mabuting pakikitungo at pakikipagkaibigan na kung saan ang mga Muslim ay nagtutulungan sa isa’t isa. Dagdag dito na binigyan siya ni Brother Naseem ng babasahin patungkol sa Islām at kabilang sa babasahing ito ay ang aklat na Magbalik Islām.
Narito ang ilan sa kanyang mga sinabi matapos itanong sa kanya ang ilang mga katanungan: Ako ay nagmuslim dahil gusto kong alamin ang Relihiyong Islām, magaan ang loob ko sa Relihiyong Islām, ang nagustuhan ko sa mga Muslim ay ang pagkakaroon ng friendly at matulungin. Iniwan ko ang dati kong Relihiyon dahil gusto ko mabago ang aking buhay at gusto ko mabago ang aking pananaw sa buhay, malaki ang kaibahan ng Relihiyong Islām kaysa sa dati kong Relihiyon. Ang nararamdaman ko ngayon na Muslim na ako ay masaya…
Mga kapatid, ang Islām ay nagtuturo sa atin ng magandang-asal, mabuting pakikitungo sa kapwa maging sa pamamagitan ng mga Muslim o hindi mga Muslim ay itinatagubilin ang mabuting pakikitungo, kung saan tayong mga Muslim ay hindi lamang sinasabi natin ang mga kagandahan ng Islām kundi ito ay ating isinasabuhay sapagkat maraming mga tao na sila’y yumakap sa Islām dahil lamang sa nakikita at nakasalamuha nila ang mga mabubuting mga Muslim subalit hindi rin naman maipagkakaila na marami ding nasusuklam sa Islām dahil sa iba ang kanilang nakikita o nakakasalamuha.