Isang kababayan natin sa Kuwait na yumakap sa Islām noong Petsa 24 ng Hunyo taong 2015, ikapitong araw ng Ramadān sa IPC, Kuwait City.
Siya si Brother Mark Mandario at kung tawagin ngayon ay Majid, dating kristiyano roman catholic na nangangaral sa maraming tao sa loob ng Simbahan sa Pilipinas. Bukal sa kalooban ang kanyang pagyakap sa Islām na kung saan ay nakabagabag sa kalooban ng mga tao sa loob ng Masjid sa taas ng tanggapan ng IPC, sapagkat napaluha siya habang binibigkas niya ng dahan-dahan ang “Ashhadu anlaa ilaaha illa-Allah, wa ashhadu anna Muhammadan Rasulullah” – ang kahulugan ay ako ay sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at ako ay sumasaksi na si Propeta Muhammad ay sugo ng Allah.” Kaya ang iba ay sabay na rin napaluha sa kanya, halos lahat ng mga tao sa loob ng Masjid ay niyakap nila siya ng mahigpit bilang pag-welcome sa kanyang pagpasok sa Islām, at bilang kapatiran na sa pananampalataya.
Narito ang ilan sa kanyang mga sinabi matapos itanong sa kanya ang ilang mga katanungan: Naniniwala po ako sa iisang Diyos na si Allah (SWT), at naniniwala po ako kay Propeta Muhammad (SAW). Ang Islām ay kumpleto, at ang mga Muslim ay tapat o totoo at supportive. Dati ay nabasa ko ang Qur’ân kaya nagustuhan ko. Dati ay sinasamba ko si Hesus. Naging bisyo ko ang mga masamang bagay maliban sa drugs. Ang ayaw ko sa Islām noon ay pagpatay ng tao. Iniwan ko ang dati kong relihiyon dahil hind ko maramdaman ang pagiging kontento at laging maraming tanong sa isip ko. Malaim ang kaibahan ng Islām at ng dati kong relihiyon. Nararamdaman ko ngayong Muslim na ako ay malapit ako sa Diyos.
Malaki ang tulong ng pag-aaral tungkol sa Islām sa buhay ko dahil mas nagiging mainit ang aking pananampalataya dahil sa aking mga natututunan at matututunan pa, ito rin ang makakatulong par mas maunawaan ang Islām at hindi maligaw sa matuwid na daan.