Ang ibig sabihin ng pagtatambal sa wikang arabik ay Shirk. Ito ay ang pagsamba o panalangin sa mga diyus-diyusan, rebulto, larawan o anumang mga huwad na sinasamba maliban sa Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ), ang nag-iisang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin. Kapag namatay ang sinumang gumagawa nito ay wala ng kapatawaran bagkus siya’y susunugin sa Impiyernong-apoy pagdating sa araw ng paghuhukom. Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:
إِنَّ الله لا يَغْفِرُ أَنْ يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَلِكَ لِمَنْ يَشَاءُ. سورة النساء
Ayon sa kahulugan ng talatang ito:
Katotohanang ang Allǎh ay hindi nagpapatawad (sa kasalanan) ng pagtatambal sa Kanya, ngunit Siya ay nagpapatawad maliban dito para sa sinumang Kanyang naisin. (An-Nisa 4:48)
إِنَّهُ مَنْ يُشْرِكْ بِالله فَقَدْ حَرَّمَ اللَّهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ. سورة المائدة
Ayon sa kahulugan ng talatang ito:
Katotohanang ang sinumang magtambal sa Allǎh ay ipagkakait sa kanya ng Allǎh ang Paraiso at ang apoy ang kanyang magiging tirahan, at sa mga mapagsamba ng diyus-diyusan ay walang tagapagtangkilik. (Al-Mâidah 5:72)
Ang pagtatambal sa Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) ang higit na pinakamalaking kasalanan at ito’y una sa pinong mga mortal na kasalanan na kung saan ay nabanggit sa Ⱨadeeth ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam).