Ang pangangalakal ay ipinahihintulot sa Relihiyong Islâm, subalit ang pagpapatubo ng salapi o pagkakaroon ng inters ay ipinagbabawal naman maging malaki man ito o maliit, at ang pinakamagaang kaparusahan ng taong nagpapatubo ng salapi o naghahanap-buhay na may Ribâ ay para niyang ginagalaw ang kanyang sariling ina. Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:
وَأَحَلَّ الله الْبَيْعَ وَحَرَّمَ الرِّبَا. البقرة
Ayon sa kahulugan ng talatang ito sa wikang tagalog:
Datapwa’t ipinahihintulot ng Allah ang pangangalakal at ipinagbabawal Niya ang Riba. (Al-Baqarah 2:275)
Sa isang Ⱨadeeth, ayon kay Àbdullah na anak ni Mas’oud (Raḍi-Allǎhu ànhu), katotohanang sinabi ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Ang Riba ay mayroong pitumput-tatlong pintuan, ang pinakamagaan (na parusa) nito ay katulad ng magpakasal (makipagtalik) ang isang lalaki sa kanyang ina.” Iniulat nina Ibnu Mâjah at Al-Ⱨâkim.
Ang pagpapatubo ng salapi ay ikaapat sa mga mortal na kasalanan na nabanggit sa Ⱨadeeth ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam).