عَنْ عُمَرَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ أَيْضًا قَالَ: بَيْنَمَا نَحْنُ جُلُوسٌ عِنْدَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ ذَاتَ يَوْمٍ، إذْ طَلَعَ عَلَيْنَا رَجُلٌ شَدِيدُ بَيَاضِ الثِّيَابِ، شَدِيدُ سَوَادِ الشَّعْرِ، لَا يُرَى عَلَيْهِ أَثَرُ السَّفَرِ، وَلَا يَعْرِفُهُ مِنَّا أَحَدٌ، حَتَّى جَلَسَ إلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَأَسْنَدَ رُكْبَتَيْهِ إلَى رُكْبَتَيْهِ، وَوَضَعَ كَفَّيْهِ عَلَى فَخِذَيْهِ، وَقَالَ: يَا مُحَمَّدُ، أَخْبِرْنِي عَن الْإِسْلَامِ. فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: ”الإِسْلَامُ أَنْ تَشْهَدَ أَن لَا إلَهَ إلا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، وَتُقِيمَ الصَّلَاةَ، وَتُؤْتِيَ الزَّكَاةَ، وَتَصُومَ رَمَضَانَ، وَتَحُجَّ الْبَيْتَ إن اسْتَطَعْتَ إِلَيْهِ سَبِيلًا.“ قَالَ: صَدَقْتَ. فَعَجِبْنَا لَهُ يَسْأَلُهُ وَيُصَدِّقُهُ! قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَن الْإِيمَانِ. قَالَ: ”أَنْ تُؤْمِنَ بِاللهِ، وَمَلَائِكَتِهِ، وَكُتُبِهِ، وَرُسُلِهِ، وَالْيَوْمِ الْآخِرِ، وَتُؤْمِنَ بِالْقَدَرِ خَيْرِهِ وَشَرِّهِ.“ قَالَ: صَدَقْتَ. قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَن الْإِحْسَانِ. قَالَ: ”أَنْ تَعْبُدَ اللهَ كَأَنَّكَ تَرَاهُ، فَإِنْ لَمْ تَكُنْ تَرَاهُ فَإِنَّهُ يَرَاكَ.“ قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَن السَّاعَةِ. قَالَ: ”مَا الْمَسْؤُولُ عَنْهَا بِأَعْلَمَ مِنْ السَّائِلِ.“ قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَن أَمَارَاتِهَا؟ قَالَ: ”أَنْ تَلِدَ الْأَمَةُ رَبَّتَهَا، وَأَنْ تَرَى الْحُفَاةَ الْعُرَاةَ الْعَالَةَ رِعَاءَ الشَّاءِ يَتَطَاوَلُونَ فِي الْبُنْيَانِ.“ ثُمَّ انْطَلَقَ فَلَبِثْتُ مَلِيًّا، ثُمَّ قَالَ: ”يَا عُمَرُ، أَتَدْرِي مَن السَّائِلُ؟“ قُلْتُ: اللهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ. قَالَ: ”فَإِنَّهُ جِبْرِيلُ أَتَاكُمْ يُعَلِّمُكُمْ دِينَكُمْ.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ8
Ayon din kay Òmar (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Isang araw habang kami ay nakaupo sa tabi ng Sugo ng Allâh (SAW) ay may lumitaw sa amin na isang lalaking napakaputi ang damit, napakaitim ang buhok, walang nakikita sa kanya na bakas ng paglalakbay, at walang nakakakilala sa kanya ni isa man sa amin, hanggang sa siya ay umupo sa harapan ng Propeta (SAW), itinumbok niya ang kanyang dalawang tuhod sa dalawang tuhod ng Propeta (SAW), at ipinatong niya ang kanyang dalawang palad sa dalawang hita ng Propeta (SAW), at kanyang sinabi: O Muḫammad! Banggitin mo sa akin ang tungkol sa Islām? At sinabi ng Sugo ng Allâh (SAW): “Ang Islām ay ang pagsasaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allâh at si Muḫammad ay Sugo ng Allâh, at ang pagsasagawa ng pagdarasal, at ang pagbibigay ng katungkulang kawang-gawa, at ang pag-aayuno sa (buwan ng) Ramaḍān, at ang peregrinasyon sa Bahay (Ka’bah) kung sakaling ito ay kaya mo.” Kanyang sinabi: Tama ka. Kaya nagulat kami sa kanya dahil tinatanong niya siya at sinasabi rin niya na tama siya! Kanyang sinabi: At banggitin mo sa akin ang tungkol sa Īmān? Sinabi niya: “Ang pananampalataya sa Allâh, at sa Kanyang mga Anghel, at sa Kanyang mga Aklat, at sa Kanyang mga Sugo, at sa Huling Araw, at ang pananampalataya sa Qadar (kapalaran o tadhana) mabuti man ito o masama.” Kanyang sinabi: Tama ka. Kanyang sinabi: At banggitin mo sa akin ang tungkol sa Iḫsān? Sinabi niya: “Ang pagsamba mo sa Allâh na parang nakikita mo Siya at kahit na hindi mo man Siya nakikita ay katotohanang Siya ay nakikita ka Niya.” Kanyang sinabi: At banggitin mo sa akin ang tungkol sa Oras (Huling Araw)? Sinabi niya: “Ang tinatanong tungkol dito ay hindi higit na nakakaalam kaysa sa nagtatanong.” Kanyang sinabi: At banggitin mo sa akin ang mga palatandaan nito? Sinabi niya: “Ang ipanganganak ng babaeng alila ang kanyang amo, at makikita mo ang mga nakayapak, mga nakahubad, mga dukhang mamamastol na magpapataasan ng gusali.” Pagkatapos ay umalis siya at ako ay napatahimik ng ilang sandali. Pagkatapos ay sinabi niya: “O Òmar, alam mo ba kung sino ang nagtatanong?” Aking sinabi: Ang Allâh at ang Kanyang Sugo ang higit na nakakaalam. Sinabi niya: “Katotohanang siya si Jibreel (Anghel Gabriel), siya ay dumating sa inyo upang ituro sa inyo ang inyong relihiyon.” Iniulat ni Muslim (8).