Main Menu
أكاديمية سبيلي Sabeeli Academy

Ang Mabuting Kaibigan

Ang Mauting KaibiganBismillah, Alhamdulillah…

Pangunahing katangian ng mabuting kaibigan ay may takot sa Allah (SWT), nananampalataya sa Islam at mapagmahal. Bukod sa pamilya, mahalaga ang tinatawag na kaibigan. Kaibigan na turingang pamilya. Kaibigan na dinadamayan ka sa hirap at ginhawa tulad ng pamilya. Maituturing na normal lamang ang pagkakaroom ng kaibigan ngunit may pagitang limitasyun subalit ang pagkakaroon ng tunay at mabuting kaibigan ay isang biyayang pinapasalamat sa Allah (SWT). Sinabi ng Allah (SWT) sa banal ng Qur’an: “Tanging mga nananampalataya lamang ang mga magkakapatiran, kaya’t butihin ninyo ang inyong pagkakapatiran at katakutan ninyo ang Allah upang kayo ay pagkalooban ng awa.” (49:10)

Ang mabuting kaibigan ay tinuturing ka din niyang parte ng pamilya. Nirerespeto ka pati pamilya mo at mga magulang mahal din niya alang-alang sa Allah (SWT).

Ang mabuting kaibigan ay hinahatak ka sa kabutihan, tinuturan ka niya sa kaalamang Islam at ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman, inaanyayahan ka niya sa mga pagtitipon na ang tinatalakay ay karunungan sa Islam na nakatutulong nagpapalakas ng pananampalataya iyan ang tunay na kapatid sa Islam. Isa sa mga kasabihan ni Omar bin Al-Khattaab kalugdan siya ng Allah (SWT): “Maghanap (o pumili) kayo ng mga mabubuting kasamahan, upang kayo ay maging masaya kasama sila; sapagkat sila ang magiging pagmumulan ng kasiyahan sa oras ng kariwasaan at makakasuporta sa oras ng kagipitan.”

Ang mabuting kaibigan ay maaasahan siya maging malaki, maliit o simpleng bagay na ipagkakatiwala mo sa kanya maging ito man ay personal o kagamitan lamang. Maaasahan mo din siya sa oras ng pangangailangan maging ito man ay suliraning pinansyal, pagbibigay ng mabuting payo o kahit na anumang tulong na kaya lang niyang ibahagi sa iyo basta’t nandiyan lang siya para sayo.

Ang mabuting kaibigan ay tapat din siya sa harap o likuran ng kaibigan niya. Nakikisimpatya siya sa nararamdaman ng kaibigan niya ito man ay malungkot o masaya. Isinasama din niya sa kanyang mga panalangin ang mga malalapit niyang kaibigan tulad ng kanyang panalangin sa pamilya niya ito man ay buhay pa o wala na sa Mundo.

Ang mabuting kaibigan ay inaayos din niya ang mga nagkakaalitang mga malapit na kaibigan niya. Naghahanap siya ng paraan hanggat gagawa siya ng kwentong mabubuti sa bawat isa upang gumaan ang loob ng bawat panig hanggat sa mapagbati niya ang mga nagkaalitan.

Sa pangkabuuan, ang mabuting kaibigan na nananampalataya sa Allah (SWT) ay hindi lamang siya naghahangad ng panandaliang samahan dito sa Mundo bagkus ang kanyang hangarin na pakikipag-ugnayan ay hanggat sa kabilang buhay sapagkat ang sinumang nagmamahalan alang-alang sa Allah (SWT) ay magtatagpo parin ang mga nagmamahalang iyon hanggat sa muling pagkabuhay.

Mula sa panulat ni Aisha Ismael.

Related Post