Ang Istinjā’ at Ang Paggamit ng Palikuran

tissue

Ang Istinjā’ ay pag-alis sa Najasah (marumi) o paglinis sa nilalabasan ng ihi o dumi. Ito ay obligado sa isang Muslim pagkatapos pumasok sa palikuran.

Mga bagay na maaring gamitin sa Istinjā’:

Maaaring gamitin sa Istinjā’ ang ganap na tubig, at ito ang pinaka-unang gamitin sa paglilinis sa Najasah. Ganon din na maaaring gamitin ang matibay magaspang na bagay na makakatanggal sa Najasah, katulad ng bato, papel at iba pa. At ang pinakamahusay na gamitin sa Istinjā’ ay bato at iba pa, pagkatapos ay gumamit ng tubig, sapagkat ang bato ay natatanggal niya ang nakikitang Najasah at ang tubig pagkatapos ay natatanggal niya ang epekto nito.

Sa Istinjā’ ay may patakaran:

Hindi magkulang ang pagpunas sa tatlong bato o anumang bagay na kapalit niya. Hindi linisin ang lugar na sumubra doon, at kanais-nais na gawing gansal katulad ng tatlo, lima, pito at iba pa.

Mula sa autoridad ni Anas bin Mālik (RA) sinabi niya: “Ang Sugo ng Allǎh ay pumasok sa palikuran: ako at ang batang lalaking kasing edad ko ay may dalang isang lalagyan ng tubig at kahoy, at ang ginamit niya sa pag-istinja ay ang tubig.” (Mula sa salaysay ni Al-Bukhāri 149 at Muslim 271)

Mula sa autoridad ni Ȁishah (RA): “Katotohanang sinabi ng Sugo ng Allǎh (SAS): “Kapag pumunta ang isa sa inyo sa palikuran ay magdala ng tatlong bato para gamitin niya sa paglinis, sapagkat iyon ang sapat sa kanya.” (Mula sa salaysay ni Abū Dāwūd 40)

Mula sa autoridad ni Abi Hurayrah (RA), sinabi ng Propeta (SAS): “Ipinahayag ang talatang ito sa mga tao ng Quba: “Sa loob nito ay mga tao na nagnanais na linisin at dalisayin ang kanilang sarili, at ang Allǎh ay nagmamahal sa kanila na nagpapadalisay sa kanilang sarili.” AT-Tawbah 9:108. Sinabi nya: Sila ay nag-istinja’ na ang ginamit ay tubig kaya dumating sa kanila ang talata na ito.” (Mula sa salaysay ni Abū Dāwūd 44, at At- Tirmidhi 3099, at ni Ibn Majah357)

Mga Bagay na hindi maaaring gamitin sa pag-istinjā’:

Hindi maaari ang pag-istinjā’ sa Najs na nakikita o nakakarumi sapagkat baka lalong dumami ang epekto ng Najasah sa halip na pagaanin ito. At ipinagbawal ang pag-istinja’ sa anumang bagay na kinakain ng tao katulad ng tinapay at iba pa, o ang mga buto na kinakain ng mga Jinn. Ipinagbawal sa pag-istinjā’ ang lahat ng hayop na ipinagbawal katulad ng bahagi ng hayop na hindi nakahiwalay, katulad ng kanyang kamay at kanyang paa. Lalong ipinagbawal ang bahagi ng tao sapagkat kabilang sa kawalan ng kanyang karangalan. Ngunit kapag ang bahagi ng hayop ay nahiwalay at iyon ay dalisay katulad ng buhok ng nakakain na karne at balat ng hayop na namatay na natuyo ay ipinahintulot.

Mula sa autoridad ni Abdullǎh bin Mas’ud (RA) kanyang sinabi: Pumasok sa palikuran ang Propeta (SAS) at pinag-utusan niya ako na humanap ng tatlong bato, subalit dalawang bato ang nahanap ko at sinikap ko na makahanap ng ikatlong bato subalit wala akong nahanap. pagkatapos kinuha ko ang rawtha (tae ng hayop) at binigay ko sa kanya. Kinuha niya ang dalawang bato at tinapon niya ang rawtha at sinabi: “Iyan ay marumi.” (Mula sa salaysay ni Al-Bukhāri 155)

Mga Magandang Kaugalian sa Pag-istinjā‘ at Paggamit ng Palikuran:

1.    Tungkol sa kung saang lugar nararapat gumawa ng palikuran:

Sapagkat iwasan ang pag-ihi at pagdumi sa daan o lugar na inuupuan ng mga tao, sa butas ng lupa o dingding o iba pa, dahil ito ay nakakapagdulot ng pinsala. Katotohanang magkaroon ng delikadong hayop katulad ng ahas, lumabas sa kanya at pinsalain siya. At iwasan din na tumae sa ibabaw ng puno na namumunga at sa tubig na umaagos.

Mula sa autoridad ni Abi Hurayrah (RA): Katotohanang sinabi ng Propeta (SAS): “Katakutan ang dalawang ipinagsumpa.” Sinabi nila: at ano ang dalawang ipinagsumpa? Sinabi niya: “Ang taong dumudumi sa daan ng mga tao o sa kanilang anino.” (Mula sa salaysay ni Muslim 269).

Mula sa autoridad ni Abdullah ibn Sarjis kanyang sinabi: “ipinagbawal ng Sugo ng Allǎh (SAS) ang pag-ihi sa butas.” (Mula sa salaysay ni Abū Dāwūd 29)

2.    Tungkol sa pagpasok ng palikuran at paglabas:

Kanais-nais sa taong gumamit ng palikuran na gamitin ang kaliwang paa sa pagpasok, at kanang paa sa paglabas. At hindi siya magdala ng anumang bagay na may pangalan ng Allǎh (SWT) at ganon din ang lahat ng pangalan na kadaki-dakila sa Allah. Kanais-nais din na bumigkas ng Adhkar (mga Du’a) na galing sa Sugo ng Allǎh (SAS) bago pumasok sa palikuran at pagkatapos lumabas.

Mula sa autoridad ni Anas (RA) kanyang sinabi: Kapag pumasok ng palikuran ang Propeta (SAS) ay kanyang bigkasin: “Allǎhumma Inni A’udhubika minal khubthi wal khabāith.” (Mula sa salaysay ni Al-Bukhāri 142 at Muslim 375)

Mula sa autoridad ni Ȁishah (RA) kanyang sinabi: Katotohanang ang Propeta (SAS) kapag siya ay lumabas ng palikuran ay kanyang bigkasin: “Gufrānak.” (Mula sa salaysay ni Abū Dāwūd 30)

3.    Tungkol sa kung saan haharap:

Ipagbawal sa taong gumagamit ng palikuran na humarap o tumalikod sa Qiblah. Kapag sa kanyang paggamit ay hindi mahaba ang takip nararapat na takpan ang kanyang awrah (maselan na bahagi ng katawan na hindi puwede ipakita) sa panahon na gumagamit siya, at hindi magkulang ang takip sa 150cm. Kapag natapos na ang konstraksyon sa paggawa ng palikuran ito ay pinahintulot din na humarap sa Qiblah o tumalikod subalit hindi parin naalis ang kanyang pagka Makruh.

Mula sa autoridad ni Abū Ayyūb Al-Ansāri (RA), sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag kayo ay dumating sa palikuran ay huwag kayong humarap sa Qiblah at huwag kayong tumalikod dito sa pag-ihi o pagdumi, ngunit humarap sa timog at hilaga.” (Mula sa salaysay ni Al-Bukhāri381 at Muslim264)

4.    Tungkol sa panahon ng paggamit ng palikuran:

Siguraduhin ang kaliwang paa sa pagpasok, at ang kanan sa paglabas. Hindi tumingin sa langit, sa kanyang ari at sa anumang lumalabas, sapagkat hindi karapat-dapat sa panahon na iyon, at huwag magsasalita maliban lang kung kinakailangan. Ganon din na iwasan na kumain at uminom o maglaro sa oras ng pag-ihi.

Mula sa autoridad ni Ibn Omar (RA): “Katotohanang ang isang lalaki ay dumaan at ang Sugo ng Allǎh (SAS) ay umiihi, bumati sa kanya at hindi niya sinagot.” (Mula sa salaysay ni Muslim 370)

Mula sa autoridad ni Abi Saed (RA) kanyang sinabi: Narinig ko ang Propeta (SAS) na nagsasabi: “Huwag pumasok ang dalawang lalaki sa palikuran, nakikita ang kanilang awrah at sila’y nag-uusap, sapagkat ang Allǎh (Àzza Wajalla) ay ikagagalit niya iyon.” (Mula sa salaysay ni Abū Dāwūd 15)

Ang pag-istinjā’ na gamitin ang kaliwang kamay: gagamitin sa pag-istinja ang kaliwang kamay para linisin ang lugar sa pamamagitan ng tubig. Kung kinakailangang mahawakan ang ari para sa paglinis na gamitin ang bato o iba pa, kanan ang ihawak sa bato at kaliwa ang ihawak sa ari para linisin ang lugar.

Mula sa autoridad ni Abi Qatadah (RA), sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag umihi ang isa sa inyo ay huwag hawakan ang kanyang ari ng kanang kamay at huwag mag-istinja’ ng kanyang kanan.” (Mula sa salaysay ni Al-Bukhāri 153 at Muslim 267)

Ito ay sinipi mula sa aklat ni Nadia Iblagh. Isinalin sa wikang tagalog ng women section sa IPC, Rawdah, Kuwait. At iniwasto ni Mojahid Gumander.

Related Post