سُبْحَانَ الَّذِي أَسْرَى بِعَبْدِهِ لَيْلا مِنَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ إِلَى الْمَسْجِدِ الأَقْصَى الَّذِي بَارَكْنَا حَوْلَهُ لِنُرِيَهُ مِنْ آيَاتِنَا إِنَّه هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ. سورة الإسراء
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Ang pagpupuri ay para sa Allǎh na nagsanhi na maglakbay sa gabi ang Kanyang alipin (na si Propeta Muḥammad) mula sa Masjidil Ḥaraam patungo sa Masjidil Aqṣaa (sa Palestina) na kung saan biniyayaan ng Allǎh ang kapaligiran nito upang masaksihan niya (Propeta Muḥammad) mula sa Aming mga tanda, katotohanang Siya (Allǎh) ang ganap na nakakarinig, ang ganap na nakakakita.” (Al-Israa 17:1)
Ang ibig sabihin ng Israa ay ang paglakbay ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang pagpapala ng Allǎh at kapayapaan) mula sa Masjidil Ḥaraam patungo sa Masjidil Aqṣaa (Jerusalem), at ang ibig sabihin naman ng Mi’raaj ay ang pag-akyat niya mula sa Masjidil Aqṣaa tungo sa mga kaantasan ng langit sa loob ng isang gabi lamang. Kasama ng Propeta sa kanyang pag-Israa wal Mi’raaj si Jibreel (Anghel Gabriel) at ang kanyang sinakyan ay Buraaq. Ang Israa wal Mi’raaj ay nangyari noong ika-27 ng Rajab sa Islamikong Kalendaryo at nagkaiba ang mga Pantas sa kasaysayan kung anong taon ito nangyari, subalit ang napagsang-ayunan ng karamihan ay nangyari ito after ng pagkamatay ng aswawa ng Propeta na si Khadeejah.
Noong dumating si Propeta Muḥammad (sumakanya ang pagpapala ng Allǎh at kapayapaan) sa Masjidil Aqṣaa o Jerusalem mula sa Masjidil Ḥaraam bago pinaakyat sa mga kaantasan ng langit ay bumaba siya mula sa Buraaq na kanyang sinakyan at itinali niya ang Buraaq sa bandang pintuan ng Masjid, pumasok ang Propeta sa Masjid upang magdasal kasama ang mga Propeta at siya ang kanilang naging Imaam sa pagdarasal. Nang lumabas si Muḥammad (sumakanya ang pagpapala ng Allǎh at kapayapaan) ng Masjid ay pinapili siya ni Jibreel (Anghel Gabriel) ng dalawang bagay: Ang isa ay nilagyan ng alak o nakalalasing, at ang isa naman ay nilagyan ng gatas. Pinapili ang Propeta kung alin sa dalawa ang pipiliin niya? Ang alak ba o ang gatas? Subalit ang pinili ng Propeta ay ang gatas, kaya’t tumama ang Propeta sa kanyang pagpili na kung saan gatas dahil kung sakali daw na alak ang kanyang pinili ay bagama’t maliligaw na ng tamang landas ang kanyang Ummah o mga pamayanan.
Iniakyat na si Propeta Muḥammad (sumakanya ang pagpapala ng Allǎh at kapayapaan) sa mga kaantasan ng langit nakasakay sa Buraak at nakita niya ang ilan sa mga Propeta doon sa bawat antas ng langit. Narito ang pangalan ng mga Propeta na kanyang nakita:
- Sa unang antas ng langit ay nakita niya si Adam “Adan” sumakanya ang kapayapaan.
- Sa ikalawang antas ng langit ay nakita niya sina Eesaa “Hesus” at Yahyaa “Juan Bautista” sumakanila ang kapayapaan.
- Sa ikatlong antas ng langit ay nakita niya si Yusof “Joseph” sumakanya ang kapayapaan.
- Sa ika-apat na antas ng langit ay nakita niya si Idrees “Enoch” sumakanya ang kapayapaan.
- Sa ikalimang antas ng langit ay nakita niya si Haroon “Aaron” sumakanya ang kapayapaan.
- Sa ikaanim na antas ng langit ay nakita niya si Musaa “Moises” sumakanya ang kapayapaan.
- At sa ikapitong antas ng langit ay nakita niya si Ibraaheem “Abraham” sumakanya ang kapayapaan.
Nakatalikod si Propeta Abraham sumakanya ang kapayapaan sa Baytal Ma’mour na kung isulat sa Arabik ay ganito (بيت المعمور), bawat araw ay mayroong papasok sa Baytal Ma’mour na pitumpung libong mga Anghel at kapag sila ay lumabas ay mayroon namang papasok na pitumpung libong mga Anghel din, at yong mga lumabas ay hindi na papasok doon muli. Akalain natin kung gaano kadami ang bilang ng mga Anghel! Walang nakakaalam sa dami ng mga Anghel kundi ang Allǎh lamang.