1. Ipinahihintulot (مباح): magiging ipinahihintulot ang poligamiya kapag ang isang lalaki ay may kakayahan sa kanyang sarili upang ibigay ang karapatang seksuwal ng mga babae, at may kakayahan sa panustos at pagiging makatarungan sa pagitan nilang mga babae.
2. Kanais-nais (مستحب): magiging kanais-nais ang poligamiya kapag ang isang lalaki ay nangangailangan ng ibang babae dahil hindi sapat ang isang babae para sa kanya, o di kaya’y naghahangad siya ng anak at ang kanyang maybahay ay baog o may karamdaman na wala ng pag-asang magka-anak at nadarama naman niya sa kanyang sarili na kaya niyang gampanan ang pagiging makatarungan sa pagitan nilang mga babae.
3. Kasuklam-suklam (مكروه): magiging kasuklam-suklam ang poligamiya kapag ang isang lalaki ay walang hinahangad kundi upang madagdagan lamang niya ang kanyang kaligayahan sa buhay o di kaya’y dahil lamang sa makamundong pagnanasa samantalang hindi niya nadarama sa kanyang sarili na kaya niyang gampanan ang pagiging makatarungan sa pagitan nilang mga babae.
4. Ipinagbabawal (محرّم): magiging ipinagbabawal ang poligamiya kapag ang isang lalaki ay nadarama niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang gampanan ang pagiging makatarungan sa pagitan nilang mga babae dahil sa kahirapan na pamumuhay o di kaya’y kahinaan ng kanyang katawan at kalooban.