عَنْ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: ”أُمِرْتُ أَنْ أُقَاتِلَ النَّاسَ حَتَّى يَشْهَدُوا أَنْ لَا إلَهَ إلَّا الله وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ، وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ؛ فَإِذَا فَعَلُوا ذَلِكَ عَصَمُوا مِنِّي دِمَاءَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ إلَّا بِحَقِّ الْإِسْلَامِ، وَحِسَابُهُمْ عَلَى اللهِ تَعَالَى.“ رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ52، وَمُسْلِمٌ22
Ayon kay Ibnu Òmar (kalugdan silang dalawa ng Allâh), katotohanang ang Sugo ng Allâh (SAW) ay nagsabi: “Ako ay napag-utusan na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sila ay magsaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allâh at si Muḫammad ay Sugo ng Allâh, at sila ay magsagawa ng pagdarasal, at sila ay magbigay ng katungkulang kawang-gawa; datapuwa’t kapag ginawa nila ito ay matatamo nila mula sa akin ang pagkalinga (proteksyon) sa kanilang mga dugo at sa kanilang mga salapi maliban lamang sa karapatan ng Islām, at ang pagbibilang sa kanilang mga gawain ay nasa Allâh (SWT).” Iniulat ni Al-Bukhāri (52), at Muslim (22).