عَنْ أَنَسِ بن مَالِكٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: ”قَالَ اللهُ تَعَالَى: يَا ابْنَ آدَمَ! إِنَّكَ مَا دَعَوْتنِي وَرَجَوْتنِي غَفَرْتُ لَكَ عَلَى مَا كَانَ مِنْكَ وَلَا أُبَالِي. يَا ابْنَ آدَمَ! لَوْ بَلَغَتْ ذُنُوبُكَ عَنَانَ السَّمَاءِ ثُمَّ اسْتَغْفَرْتنِي غَفَرْتُ لَكَ. يَا ابْنَ آدَمَ! إنَّك لَوْ أتَيْتنِي بِقُرَابِ الْأَرْضِ خَطَايَا ثُمَّ لَقِيتنِي لَا تُشْرِكُ بِي شَيْئًا لَأَتَيْتُكَ بِقُرَابِهَا مَغْفِرَةً.“ رَوَاهُ التِّرْمِذِيُّ (3540) وَقَالَ: حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ
Ayon kay Anas na anak ni Mālik (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Narinig ko ang Sugo ng Allâh (SAW) na nagsasabi:
“Sinabi ng Allâh (SWT): O anak ni Adan! Katotohanang ikaw ay nanalangin sa Akin at umaasa sa Akin, ikaw ay Aking patatawarin sa anumang iyong pagkakasala o pagkakamali na waring baliwala sa Akin.
O anak ni Adan! Kahit na ang iyong mga kasalanan ay umabot sa mataas na ulap (kalangitan) pagkatapos ikaw ay hihingi sa Akin ng kapatawaran, ikaw ay Aking patatawarin.
O anak ni Adan! Katotohanang kahit na ikaw ay dumating sa Akin (matapos ang kamatayan) na may mga nagawang kasalanang halos kasinlaki ng kalupaan pagkatapos ikaw ay nakipagtipan sa Akin na hindi mo Ako ipinagtambal ng kahit ano, ikaw ay Aking pagkakalooban ng kapatawaran na kasinlaki din nito (kalupaan).”
Iniulat ni At-Tirmidhi (3540) at sinabi niya: Mabuti at matatag na Ḫadeeth.