عَن ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِيمَا يَرْوِيهِ عَنْ رَبِّهِ عَزَّ وَجَلَّ أَنَّهُ قَالَ: ”إنَّ اللهَ كَتَبَ الْحَسَنَاتِ وَالسَّيِّئَاتِ، ثُمَّ بَيَّنَ ذَلِكَ، فَمَنْ هَمَّ بِحَسَنَةٍ فَلَمْ يَعْمَلْهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ حَسَنَةً كَامِلَةً، وَإِنْ هَمَّ بِهَا فَعَمِلَهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ عَشْرَ حَسَنَاتٍ إلَى سَبْعِمِائَةِ ضِعْفٍ إلَى أَضْعَافٍ كَثِيرَةٍ، وَإِنْ هَمَّ بِسَيِّئَةٍ فَلَمْ يَعْمَلْهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ حَسَنَةً كَامِلَةً، وَإِنْ هَمَّ بِهَا فَعَمِلَهَا كَتَبَهَا اللَّهُ سَيِّئَةً وَاحِدَةً.“ رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ (6491) وَمُسْلِمٌ (131) في صحيحيهما بهذه الحروف
Ayon kay Ibnu ‘Abbās (kalugdan siya ng Allâh), ayon sa Propeta (SAW) habang siya ay nagsasalaysay ayon sa kanyang Panginoon (‘Azza wa Jalla) ay Kanyang sinabi:
“Katotohanang ang Allâh ay nagtakda ng mga kabutihan at mga kasamaan, pagkatapos ay Kanyang ipinaliwanag ito, na ang sinumang nagnais na gumawa ng isang kabutihan at hindi niya ito nagawa ay isusulat ito ng Allâh para sa kanya ang isang buong kabutihan, at kung siya ay nagnais na gumawa ng isang kabutihan at talagang nagawa niya ito ay isusulat ito ng Allâh para sa kanya ang sampung kabutihan hanggang pitong daang beses hanggang mas maraming beses, subalit kung siya ay nagnais na guamawa ng isang kasamaan at hindi niya ito nagawa ay isusulat ito ng Allâh para sa kanya ang isang buong kabutihan, at kung siya ay nagnais na gumawa ng isang kasamaan at talagang nagawa niya ito ay isusulat ito ng Allâh para sa kanya ang isang kasamaan.”
Iniulat nina Al-Bukhāriy (6491) at Muslim (131) sa kanilang dalawang Ṣaḫeeḫ (dalawang matatag na aklat bilang kanilang koleksyon na mga Ḫadeeth) sa ganyan ding mga titik.