3– Itinayo Ang Islām Sa lima

LImang Haligi ng Islāmعَنْ أَبِي عَبْدِ الرَّحْمَنِ عَبْدِ اللهِ بن عُمَرَ بن الْخَطَّابِ رَضِيَ اللهُ عَنْ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: ”بُنِيَ الْإِسْلَامُ عَلَى خَمْسٍ: شَهَادَةِ أَنْ لَا إِلَهَ إلَّا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، وَإِقَامِ الصَّلَاةِ، وَإِيتَاءِ الزَّكَاةِ، وَحَجِّ الْبَيْتِ، وَصَوْمِ رَمَضَانَ.“ رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ8، وَمُسْلِمٌ16

Ayon kay Abū Àbdulraḫmān, Àbdullâh na anak ni Òmar na anak ni Al-Khaṭṭāb (kalugdan silang dalawa ng Allâh) kanyang sinabi: Narinig ko ang Sugo ng Allâh (SAW) na nagsasabi: “Itinayo ang Islām sa lima: Ang pagsasaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allâh at si Muḫammad ay Sugo ng Allâh, at ang pasasagawa ng pagdarasal, at ang pagbibigay ng katungkulang kawang-gawa, at ang peregrinasyon sa Bahay (Ka’bah), at ang pag-aayuno sa (buwan ng) Ramaḍān.” Iniulat ni Al-Bukhāri (8), at Muslim (16).

Bilang pagpapaliwanag sa Ḥadeeth na ito, ang relihiyong Islām ay binubuo sa limang haligi:

Unang haligi: Shahādatayn

Ang ibig sabihin ng Shahādatayn ay ang pagsasaksi sa kaisahan ng Allâh, at ang pagsasaksi sa pagka-Propeta ni Muḥammad (SAW). Ito ay ang pagsasabi ng: “Ash-hadu anlā ilāha illa-Allâh, wa Ash-hadu anna Muammadan Rasoolullâh” – Ako ay sumasaksi na walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allâh, at ako ay sumasaksi na si Muḥammad ay Sugo ng Allâh.

Ikalawang haligi: alāh

Ang ibig sabihin ng Ṣalāh sa wikang tagalog ay pagdarasal. Ito ay isang tungkulin na dapat gampanan ng bawat Muslim lalaki man o babae na nasa wastong gulang at wastong pag-iisip, isinasagawa ito limang beses sa loob ng isang araw. Ang pagsasagawa ng  Salāh ay nagsisimula sa pagsasabi ng Allâhu Akbar at nagtatapos sa Assalamu Àlaykom Waraḥmatullâh. Narito ang mga pangalan ng limang beses na Ṣalāh: Ṣalātul Fajr, Ṣalātuẓ Ẓuhr, Ṣalātul Àṣr, Ṣalātul Maghrib at Ṣalātul Eshā.

Ikatlong haligi: Zakāh

Ang ibig sabihin ng Zakāh ay paglago o kadalisayan. Ito ay isang katungkulang kawang-gawa na ibinibigay sa mga taong nararapat na bigyan nito tulad ng mga kapuspalad, mahihirap at iba pa batay sa itinakdang halaga ng kayamanan. Ipinag-utos ng Zakāh noong ikadalawang taon ng Hijrah.

Ikaapat na haligi: ajj

Ang ibig sahibin ng Ḥajj ay ang pagdalaw sa banal na lugar sa Makkah upang bigyang-alaala ang matibay na paniniwala sa kaisahan ng Allâh. Ito ay isang tungkulin ng sinumang Muslim na may kakayahang tustusan ang kanyang paglalakbay hingil sa pagsasagawa nito. Ito ay isang simbulo ng pagkakapantay-pantay sa Islām.

Ikalimang Haligi: awm

Ang ibig sabihin ng Ṣawm ay ang pag-aayuno. Ito ay ang pagtitiis sa pagkain, pag-inom at pakikipagtalik sa asawa, at pagtitiis sa lahat ng mga nakakasira rito mula sa pagbukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw. Ito ay isang tungkulin ng bawat Muslim na nasa wastong gulang at wastong pag-iisip, at kapag naging malinis ang isang babae mula sa pagdurugo dahil sa pagreregla o panganganak. Sa ibang Ḥadeeth ay nauna ang Ṣawm kaisa sa Ḥajj…

Related Post