Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Hesus (Àlayhis Salâm) ay mayroong magulang, ang kanyang ina ay si Maria na ang tawag sa kanya sa arabik ay Maryam na anak ni Emrân. Ang pamilya ni Emrân ay isa sa mga pinili ng Diyos na kung saan ay higit na mainam na pamilya. Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:
إِنَّ اللهَ اصْطَفَى آدَمَ وَنُوحًا وَآلَ إِبْرَاهِيمَ وَآلَ عِمْرَانَ عَلَى الْعَالَمِينَ. ذُرِّيَّةً بَعْضُهَا مِنْ بَعْضٍ وَاللهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ. سورة آل عمران
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: (Katotohanang ang Allǎh ay pinili Niya si Adan, at si Noah, at ang pamilya ni Abraham, at ang pamilya ni Emrân na higit na mainam sa mga nilalang. Mga supling na magkakasunod; at ang Allǎh ang nakakarinig, ang nakakaalam) (Surah Âl-Emrân 3:33-34)
Ayon kay Ibnu Katheer kanyang sinabi: Si Maryam (Àlayhas Salâm) ay nagmula sa supling ni David (Àlayhis Salâm), na ang kanyang ama ay si Emrân higit na madasalin sa mga angkan ng Israel noong kanyang kapanahunan.