Bismillah, Alhamdulillah
Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW) na pinakahuling Propeta at Sugo.
Ang literal na kahulugan ng Shahādatayn ay dalawang pagsasaksi, ibig sabihin nito ay ang pagsasaksi sa kaisahan ng Allah (SWT) at ang pagsasaksi sa pagka-Propeta ni Muhammad (SAW). Ito ay ang pagsasabi ng: Ash-hadu anlā ilāha illa-Allah, wa Ash-hadu anna Muhammadan Rasūlullah. Ang kahulugan nito sa tagalog ay ganito: Ako ay sumasaksi na walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah.
Ang salitang “Lā ilāha – walang Diyos” ay nagsasaad ng ganap na pagtakwil at pagtalikod sa lahat ng mga huwad na sinasamba na iba sa Allah (SWT), at ang salitang “illa-Allah – maliban sa Allah” ay nagpapatunay na ang lahat ng uri o pamamaraan ng pagsamba ay para lamang sa Allah (SWT) tanging Siya lamang ang nag-iisang tunay na Diyos na karapat-dapat na pag-ukulan ng pagsamba at wala ng iba.
Ang Shahādatayn ay ito ang ritwal na binibiggkas ng taong hindi Muslim kapag siya ay yumakap sa relihiyong Islām, kaya kapag binigkas niya ang Ash-hadu anlā ilāha illa-Allah, wa Ash-hadu anna Muyhammadan Rasūlullah, siya ay ganap ng Muslim.