Ang Kahulugan ng Ṣalāh

Salah o Pagdarasal

Ang kahulugan ng Ṣalāh sa wikang tagalog ay pagdarasal. Ito ay ikalawang haligi ng Islām na kung saan ay isang tungkulin na dapat gampanan ng bawat Muslim lalaki man o babae na nasa wastong gulang at wastong pag-iisip. Ito ay pinakamahalaga sa lahat ng itinakdang pamamaraan ng pagsamba sa Allǎh. Ito ay isang paraan upang maging matatag ang ating Īmān o pananampalataya sa Allǎh. Ito ay gawaing paulit-ulit at pagbabalik-alaala sa Allǎh limang beses sa loob ng isang araw. Ang pagsasagawa ng  Salāh ay nagsisimula sa pagsasabi ng Allǎhu Akbar (Takbeeratul Iḥrām) at nagtatapos sa Assalamu Àlaykom Waraḥmatullǎh (Tasleem). Narito ang mga pangalan ng limang beses na Ṣalāh, mga oras at mga bilang ng Rak’àh nito.

  1. alātul Fajr: Mula sa pagbukang liwayway (madaling araw) hanggang bago sumikat ang araw, at ang bilang ng Rak’àh nito ay dalawa.
  2. alātuẓ Ẓuhr: Ilang sandali matapos ang tanghaling tapat hanggang kalagitnaan ng hapon, at ang bilang ng Rak’àh nito ay apat.
  3. alātul Àr: Mula sa kalagitnaan ng hapon hanggang sa paglubog ng araw, at ang bilang ng Rak’àh nito ay apat.
  4. alātul Maghrib: Mula sa paglubog ng araw hanggang bago sumapit ang Esha, at ang bilang ng Rak’àh nito ay tatlo.
  5. alātul Eshā: Mga isang oras pagkatapos ng Ṣalātul Maghrib, at ang bilang ng Rak’àh nito ay apat.

Related Post