Balik Islām ang eksklusibong katawagan sa mga Filipino kapag sila ay yumakap sa Relihiyong Islām.
Bakit Sila Tinawag na Balik Islām?
- Tinawag sila na Balik Islām dahil Islām ang unang Relihiyon na sinunod ng ating mga ninuno bago pa dumating ang mga Kastila o mga dayuhan sa Pilipinas. Kaya tinawag na Balik Islām ang taong nagmuslim dahil Islām ang pananampalataya ng kanyang kaninunuhan.
- Tinawag sila na Balik Islām dahil sa pananampalatayang Islām ay ang bawat sanggol na isinilang ay Muslim, sapagkat siya ay nasa ilalim ng tinatawag sa wikang arabik na “Fiṭrah” na ang kahulugan ay likas na pagsunod sa nag-iisang Diyos. Kaya nagiging hudyo, kristiyano o pagano ang bata dahil sa kanyang mga magulang o sa mga taong nag-aruga sa kanya.