Isang kababayan natin sa Kuwait na yumakap sa Islām noong Petsa 18, buwan ng Oktubre, taong 2013 sa Islam Presentation Committee (IPC), Kuwait City. Marahil tatlong taon na ang nakalipas na kung saan bumisita siya sa IPC upang magtanong at makinig ng aral tungkol sa Islām subalit hindi pa niya napagpasyahan na yakapin ang Islām sa mga oras na iyon bagama’t may mga bagay na hindi pa lubos na nauunawaan kung kaya’t hindi pa buo ang kanyang kalooban sa Islām. Subalit sa ngayon ay niyakap na niya ang Islām ng walang pag-aalinlangan.
Siya si Brother Welmer Baldoza na sa ngayon ay Aḥmad ang tawag sa kanya, dating kristiyano na sumasamba kay Hesus. Nagustuhan niya ang Islām dahil sa nakita niya ang mabuting kaugalian ng mga kapatiran at higit sa lahat ay dahil sa pagdarasal isinasabuhay ng mga Muslim.
Narito ang ilan sa kanyang mga sinabi matapos itanong sa kanya ang ilang mga katanungan: Iniwan ko ang dati kong Relihiyon dahil sa Katoliko kung kailan lang gusto magdalo sa Simbahan ay ok lang. Napakasarap sa Islām dito ko natagpuan ang tunay na Relihiyon. Ang nagustuhan ko sa Islām ay ang magandang kaugalian ng mga Brothers and Sisters at unang-una yong pagdarasal ay kailangang gawin.
Mga kapatid, isa sa kagandahan ng Islām ay nalalaman dito kung bakit tayo naririto sa Mundong ito, at kung bakit tayo nilikha ng Diyos. Ang dahilan ng paglikha sa atin ay upang sambahin nitin ang Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā), ang nag-iisang tunay na Diyos na tagapaglikha.