Isang kababayan natin sa Kuwait na yumakap sa Islām noong Petsa 13, buwan ng Septiyembre, taong 2013 sa Islam Presentation Committee (IPC), Kuwait City. Nang matagpuan niya ang katotohanan ay napagpasyahan niyang mag-shadah ng bukal sa kanyang kalooban.
Siya si Brother Arthur Mediodia na sa ngayon ay Abdulaziz ang kanyang napili niyang pangalan na itatawag sa kanya, dating Roman Catholic kung kaya’t ang pagkakilala niya kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay Diyos dahil sa ito ang nakamulatan niyang pananampalataya at itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang. Niyakap niya ang Relihiyong Islām mula ng naliwanagan ang kanyang puso’t isipan at ang katotohanan na ang Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) lamang nag nag-iisang tunay na Diyos.
Narito ang ilan sa kanyang mga sinabi matapos itanong sa kanya ang ilang mga katanungan: Naging Kristiano (Roman Catholic) ako dahil ito ang Relihiyon ng magulang ko, at ito ang itinuro sa akin. Dati pag sinasabi nila na Muslim ay malalapit daw sa mga Terorista. Naliwanagan ako explanation ng Aklat sa Pagtatalo ng Muslim at Kristiyano (Ang talakayan sa pagitan ng Kristiyano at Muslim), pakiramdam ko maliligtas ako sa araw ng paghuhukom. Sa dati kong Relihiyon si Hesus ay Diyos, pero sa Islām si Hesus ay Propeta. Ang mga Muslim ay sila ang malalapit sa Diyos sapagkat pinaniniwalaan nila na iisa lamang ang Diyos.
Mga kapatid, kapag binuksan natin ang ating puso’t isipan ay makikita at mararamdaman natin ang katoohanang ang Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) lamang ang Siyang nag-iisang tunay na Diyos na lumikha kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan) at sa ating lahat.