Isang kababayan natin sa Kuwait na yumakap sa Islām noong Petsa 19 ng Hunyo taong 2015, ikalawang araw ng Ramadān sa IPC, Kuwait City.
Siya si Brother Leo Moreno at kung tawagin ngayon ay Mohammad, dating kristiyano roman catholic. Ang kanyang pagyakap sa Islām ay bukal sa kanyang kalooban na walang pumilit o nanakot sa kanya sapagkat aniya matagal na niyang tinanggap ang relihiyong Islām sa kanyang puso.
Narito ang ilan sa kanyang mga sinabi matapos itanong sa kanya ang ilang mga katanungan: Gusto kong magmuslim dahil dito ko nalalaman ang tamang pananampalataya na iisa lang ang dakilang Tagapaglikha na si Allah (SWT). Ang nagustuhan ko sa relihiyong Islām ay ang magandang layunin na maibahagi ang mga tugon ng Allah (SWT), at ang nagustuhan ko naman sa mga Muslim ay ang pagsunod nila sa kautusan ng Allah (SWT). Nakabasa ako dati ng Qur’ân na English translation. Sumasamba ako dati kay Yaweh tinatawag ng mga katoliko. Naging bisyo ko dati ang uminom ng alak. Ang ayaw ko noon sa Islām ay takot ako sa pagkakaalam na mga matatapang sila, tulad ng Abusayaf sa Mindanao, pero mababait pala ang mga Muslim. Iniwan ko ang dati kong relihiyon kasi makamundo sila nagtuturo ng taliwas sa kautusan ng Allah (SWT), at nagpapagamit sila sa gobyerno, mga pilitiko. Malayo ang pagkakaiba ng relihiyong Islām at ng dati kong relihiyon, dahil sa dati ay sumasamba sila ng mga santo, samantala sa Islām ay si Allah (SWT) lang ang sinasamba na nag-iisang Tagapaglikha ng lahat.
Gusto kong mabago sa buhay ko ay upang maging sumusunod sa kautusan ng Allah (SWT). Masaya po ako at ramdam ko ang pagyakap ko sa Islām, kaya gusto ko maisagawa ko sa pamilya ko at maibahagi ko ang utos ng Allah (SWT).