Ang karunungang-itim ay ang pag-ihip at pagbulong sa buhol o sa anumang bagay na magiging dahilan ng pagkamatay, pagkasakit, pagkasira ng ulo ng kapwa. Ang karunungang-itim sa wikang arabik ay Siⱨr (سحر), at ang tawag naman sa taong manggagaway o gumagawa ng karunungang-itim ay Sâⱨir (ساحر). Ito ay ipinagbabawal sapagkat kabilang ito sa mga gawain ng mga Shaytan (demonyo). Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:
وَمَا كَفَرَ سُلَيمَانُ وَلَكِنَّ الشَّيَاطِينَ كَفَرُوا يُعَلِّمُونَ النَّاسَ السِّحْرَ. البقرة
Ayon sa kahulugan ng talatang ito sa wikang tagalog:
At si Sulayman (Solomon) ay hindi nawalan ng pananampalata, subalit ang mga demonyo ang hindi sumasampalataya, na nagtuturo sa mga tao ng karunungang-itim. (Al-Baqarah 2:102)
Ang karunungang-itim ay ikalawa sa mga mortal na kasalanan na kung saan ay nabanggit sa Ⱨadeeth ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam).